tumigil na ito at bumukas ang pintuan. Naglakad sandali ito sa pasilyo at tumigil sa isang pintuan. Lumingon muli ito sa kanya. "Andito na tayo." Binuksan na nito ang kanyang pintuan. Sumunod naman agad siya sa pagpasok nito sa loob.
"Ang ganda pala ng condo unit niyo sir, mukhang bagong bili," sabi lang niya habang pinagmamasdan ang buong unit.
"Oo bagong-bago pa 'to," sagot naman nito. Tapos ay kaagad na umupo sa kanyang sofa. Sumunod naman siya at akmang uupo rin. Subalit tiningnan kaagad siya nito ng masama na tila ayaw marumihan ang sofa nito. Naintindihan naman agad niya ito kaya tumayo na lang siya. Binuksan naman agad nito ang TV at nanood. Nanood ito nang nanood ng TV habang nakaupo. Nakinuod naman siya ng TV habang nakatayo sa may sala nito. Medyo matagal na rin silang nanonood ng TV na dalawa. Sinulyapan siya nitong muli. Masusi siya nitong pinagmasdan sa kanyang pagkakatayo. Napansin nitong nangangawit na siya sa kakatayo malapit rito. Nakaramdam ito ng kunting habag habang patuloy siya nitong pinagmamasdan. Huminga ito nang malalim na napag-isip-isip na hindi tama ang ginagawa nito sa kanya. "Pasensya ka na talaga sa akin. Hindi naman talaga ako salbahe," sabi nito. "Hindi ko naman talaga ugaling mang-api ng tao kahit na ano pang hitsura nila."
Napangisi naman kaagad si Margaret sa narinig niya. Kumunot bigla ang noo nito sa naging reaction niya subalit nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. "Tatlong-milyon din iyong tinangay ng tatay mo... Kaya siguro naman naiiintindihan mo ako kung bakit ako naging ganoon kanina. Pero pasensya na talaga. Pangako susubukan ko nang maging mas mabuti sa iyo mula ngayon."
Tiningnan niya ito sandali bago muling nagsalita. "Kung ganoon po sir ay pwede na po akong maupo..."
"Hindi pa rin..." sabi nito na ngiti-ngiting muling pinasadahan siya ng tingin. Ngumiti lang rin siya sa inasal nito. May itinuro naman agad ito. "Iyan ang magiging kwarto mo, may shower diyan..."
"Maari na po ba akong pumasok sa kwarto sir?" tanong niya.
"Oo pwede na," kalmadong sagot nito. "Siyanga pala anong pangalan mo ha?"
"I'm Margaret," mabilis niyang sagot.
"Margaret pala ang pangalan mo, ako naman si Mike," pagpapakilala naman nito sa kanya.