kaya sir!" pawisang sigaw niya rito.
      "Ganon ba," ngiti-ngiting sagot nito. "Sandali susubukan ko uli mag-start." Lumibot naman agad siya para panoorin itong mag-start. Sa isang subok lang nag-start ito kaagad. Pagkatapos ay bigla itong umubo ng sunod na sunod at marahang tumawa. Ilang sandali pa'y tumigil na ito sa pagtawa at nakangiting muling sinulyapan siya. Nagkatitigan silang muli. Pagkatapos ay sumulyap ito sa bakanteng upuan sa likuran. "Oy ano pang itinatayo-tayo mo riyan, pasok na!" utos nito sa kanya. Nakakuyom ang mga palad na sumunod na lang siya. Galit na galit dahil batid niyang pinaglaruan lang siya nito. Kunwari lang ang pagtirik ng sasakyan nito. Umupo siyang muli sa likuran. Pinagmasdan siyang muli nito mula sa rear view mirror. Pagkatapos ay muli nitong pinatakbo ang sasakyan nito. Pagkalipas ng ilang sandali pa ay muli itong nagsalita. "Pasensya ka na ha napagod ka masyado, ito naman kasing sasakyan ko basta-basta na lang tumitirik. Nakakainis nga eh noong isang linggo ko pa nga lang nabili ito eh," seryosong sabi nito na umiiling-iling pa.
       "Okey lang iyon sir," sagot naman niya. "Pero pasensya na rin po ha kasi nadumihan ko yata ng todo ang upuan ng sasakyan niyo..." Tumawa pa siya nang bahagya sa ganting pang-aasar niya.
       Subalit tinawanan lang din siya nito. "Alam ko naman iyan. Okey lang naman sa akin iyan. Tutal ikaw rin naman ang maglilinis niyan mamaya. Pag-igihan mo ha..." sagot nito.
       Napabuga muli siya ng hangin sa malabis na pagka-inis niya rito. Subalit ayaw niyang magpatalo kaya nginitian lang din niya ito at nagkunwaring hindi apektado. "Opo sir, pag-iigihan kong talaga."
      "Mabuti kung ganoon. Pagganyan ka ng ganyan malamang magkasundo tayong dalawa," sabi nito habang patuloy na nagmamaneho. Matapos ang ilan pang minuto ay nakarating na sila sa harapan ng mataas na gusaling tinitirhan nito. Bumukas kaagad ang pintuan. Lumabas ito at sumunod naman siya. Binati kaagad ito ng Guard at bumati naman ito pabalik.
      "Sir may kasama po pala kayo. Ano... este sino po ba iyan ha?" tanong nito rito na titig na titig sa kanya.
      "Hindi ko nga rin alam eh," nakangising sagot nito. Pagkatapos ay tumuloy na ito sa may elevator. Pinindot kaagad niya ang pindutan. Pagkabukas nito ay kaagad itong pumasok. Pumasok din siya. Magkatabi silang nakatayo habang patuloy na umaakyat ito pataas. Ilang sandali lang ay