Google Just the Two of Us 


                                                    Back to Homepage            
                                                                                       
                                       Chapter 1 

       BIGLANG bumukas ang pintuan ni Mike at pumasok ang kanyang amang si Sergio. "Bata ka, 23 years old ka na hindi ka pa rin nag-aasawa.  Papalit-palit ka na lang ng girlfriend. Magbihis ka't sasama ka sa akin. Pupuntahan natin ang mapapangasawa mo!"
      "Ano !" bulalas niya. "Mapapangasawa ko, keylan ako nag-propose at kanino?"
      "Basta magbihis ka na riyan," utos nito sa kanya.
      "Sandali lang," nasabi niya na biglang may naalala.
      "Buti naman at mukhang naiintindihan mo na," nasabi na lang nito.
      "Daddy naman akala ko ba tinigilan niyo na iyong pangarap mong ipakasal ako sa dalagang anak 
ng kaibigan mo," iiling-iling niyang nasabi.
      "Hoy anong nakalimutan, hinintay lang namin na makatapagtapos iyon ng pag-aaral at ngayong nakatapos na siya, panahon na para magkakilala kayong dalawa," pagtatapat nito sa kanya.
      "Sigi po sandali lang at magbibihis muna ako," ngingiti-ngiting sagot niya rito.
      "Bilisan mo't naghihintay na sa akin ang kaibigan ko," pagpapaalam nito sa kanya.
      "Ba't ni minsan parang hindi ko yata nakita iyang kaibigan mo Dad ha," banggit niya habang nagpapalit ng damit sa loob ng kanyang condominium unit.
      "Kaya nga bilisan mo nang magbihis riyan nang magkakilala na kayong dalawa pati ng anak niya," utos muli nito.
      Nagmadali naman siya kaagad . "O ayan tapos na akong magbihis Daddy, tayo na," nakangising sabi niya.
      "Sandali iinom lang ako at nauuhaw ako," sabi nito na kaagad tumalikod sa kanya at nagtungo sa refrigerator niya para kumuha ng malamig na tubig. Pagkabukas nito ng refrigerator ay kaagad kumuha ng bote ng mineral water pagkatapos ay muli itong isinara. Binuksan agad nito iyon at uminom. Nawala kaagad ang uhaw nito. "Mike, tapos na akong uminom, halika na," sabi nito sabay talikod. "Mike!!!" Wala na si Mike, tinakasan na siya nito. Napailing na lang sa pagkainis ito at kaagad na iniwan ang condominium unit niya. Nagbakasali pa itong maabutan siya nito sa basement parking pero hindi rin siya nito naabutan. Wala na rin ang asul na kotse niya.

                                                                                 Chapter 2

      PAGKALIPAS  ng isang linggo nasa kanyang opisina ang matangkad, makisig at guapong-guapong si Mike. Nagugustuhan kaagad siya ng mga kababaihan dahil sa nakakakilig na mga titig niya. Binabasa niya ang resume ng isang aplikante sa pagka Chief Accountant sa loob ng opisina niya. Nakapasa na ito sa lahat ng iba pang mga evaluations na pinagdaanan nito at hinintay na lang ang final interview niya. Bigla namang nagbukas ang pintuan ng office niya at isiningit ng kanyang sekretarya ang kalahating katawan nito. "Sir andito na ho 'yong para sa Chief Accountant ho, 
papasukin ko na ba?" tanong nito sa kanya.
       "O sigi papasukin mo na," sagot naman niya agad.
       Pumasok naman kaagad ang aplikanteng lalaki. Binati kaagad siya nito. Bumati naman agad siya pabalik. Pinaupo kaagad niya ito sa harap ng misa niya. Sinimulan kaagad niya itong interview-hin. Marami siyang tinanong dito tungkol sa pamilya niya at sinubok din niya kung talagang babagay ito sa nasabing posisyon sa kanilang kumpanya. Sumagot naman ito nang maayos kaya natuwa siya rito. Napahanga siya sa working experience nito. Pagkalipas ng ilang sandali ay ngumiti siya rito. Pumasa ito sa kanya. Siya na ang bagong Chief Accountant ng kumpanya nila. Matapos niya itong masabihan na nakapasa na ito ay agad naman itong nagpasalamat bago umuwi. Makalipas ang isang buwan nagsisigaw sa loob ng opisina niya si Mike. Pinagnakawan ang kompanya nila ng bagong Chief Accountant nila.  Tatlong milyon ang ninakaw nito. Tatlong araw na rin itong hindi pumapasok kaya nagpupuyos siya sa galit dito. Pati ang ibang mga empleyado ay nabubulyawan na rin niya sa sobrang galit niya rito. Inis na inis siya sa sarili niya dahil madali niya itong pinagkatiwalaan at ganoon din sila kadaling napagnakawan. Umupo siyang muli sa kanyang upuan sa likod ng kanyang misa. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa kanyang nanginginig sa galit na mga palad. "Aaaaah...... bwisit.... bwisit talaga," sambit niya. "Patay ako sa Daddy ko nito. Tiyak malalagot ako nito pag nalaman niya to...." Kaagad niyang binuksan ang kanyang computer at binasang muli ang files nito. "Mapuntahan nga kita sa addresss mong ito, mananagot kang talaga sa aking gago ka..." Kinansela niya agad lahat ng appointments niya para sa araw na iyon. Bumaba kaagad siya sa basement parking at binuksan ang kanyang sasakyan. Sa inis niya ay nahampas pa niya ang manebela. Huminga siya nang malalim at pilit na kinalma ang sarili niya. Subalit kahit anong gawin niya hindi matanggal-tanggal ang galit niya rito sa ginawa sa kanila. Kaya kaagad niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan para makipagtuos sa kanilang magnanakaw na Chief Accountant. Habang nasa kalye pa lang siya ay iniisip na kaagad niya kung ano ang mga sasabihin niya rito. Kung papaano niya ito mumurahin at pipiliting papanagutin sa mga pagkakasala nito. Nahampas niyang muli ang manebela. Napahinga muli siya nang malalim. Galit na galit pa rin siya habang patuloy na nagmamaneho patungo sa address nito. At pagkatapos ng ilang sandali'y nakita na niya sa wakas ang tahanan nito. 
Galit na galit niyang sinulyapan at tinitigan ang magarang bahay nito. "Ang gara pa pala ang bahay ng kawatang ito a," nasambit na lang niya sa galit. Kaagad siyang bumaba at kumatok sa gate nito. Kumatok siya ng kumatok nang napakalakas. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang may papalapit na sa kanya para magbukas. At may nagbukas na nga sa pulang gate. Kaagad tumambad sa harapan niya ang mukha ng kanyang sadya roon. Nagkatitigan si Mike at ang Chief Accountant. Susuntukin na niya sana ito sa mukha ng biglang.... "Aray ko !!! Daddy!" malakas na sigaw galing sa loob ng bahay nito. Natigilan kaagad siya sa napakalakas na sigaw. Hindi niya ito natuloy na masuntok sa mukha. Agad naman itong tumalikod at tumakbo papasok pabalik ng bahay niya. Hinabol naman kaagad niya ito. Naglakad siya nang mabilis sa kahabaan ng bakuran nito. Nakita niyang nakapasok na ito sa loob at kaagad na isinara ang pinto. Bigla namang natigil ang pagsigaw sa loob ng bahay nito. Huminga siya nang malalim para muling kontrolin ang sarili niya sa malabis na pagkagalit rito. Umupo siya sandali sa nakita niyang upuan sa labas ng bahay malapit sa pintuan parang nauulanigan niyang may dalawang nag-uusap sa loob. Naghintay pa siya ng mga ilang sandali pagkatapos ay nagpasya nang katokin ang pintuan nito. Kumatok naman agad siya ng makalapit na siya. Subalit walang nagbukas kaya muli siyang kumatok. Dahan-dahan namang bumukas ang pintuan nito. Nakita niyang biglang tumalikod ang Chief Accountant pagkabukas na pagkabukas nito ng pinto. Kaya pumasok na siya kahit hindi siya inimbitahan nito. Umupo sa may sofa ito na nakatungo. Hindi makatingin ng derecho sa kanya. Halatang takot na takot ito sa kanya. Muling nag-init ang ulo niya rito kaya lumapit pa siya at umupo sa pang-isahang sofa malapit dito. Bigla naman nitong iniangat ang ulo para pagmasdan siya. Tinitigan niya ito sa mata. Bigla naman itong naluha at nagmakaawa. "Sir patawarin niyo na po ako. Nagipit lang po talaga ako. Maiilit na kasi ang bahay namin kaya nagawa ko iyon." Muli itong tumungo mula sa kinauupuan nito. Tumulo ang mga luha nito. At ilang sandali pa'y para na itong batang nag-iiyak at muling nagmakaawa. "Sir patawarin niyo na po ako... kahit ano po gagawin ko mapatawad niyo lang po ako. Kung gusto niyo ang anak ko na lang po ang ipambabayad ko sa inyo.... "
        "Ano, anong ibig mong sabihin?" nagulat na tanong niya rito.
   
     Bigla namang may lumabas mula sa kusina ng bahay. Nagulat naman kaagad si Mike sa kanyang nakita. Nagimbal siya sa hitsura nito. Bigla siyang napatinging muli sa sadya niya roon. Umiling-iling ito at muling nagsalita. "Huwag mong sabihing..."
       "Siya na lang po sir.... huwag niyo lang po akong ipakulong...." muling pagmamakaawa nito at pagsumamo habang patuloy na lumuluha.
       "Anong makukulong ka Dad..?" biglang natakot na tanong ng anak nitong babae.
       "May kasalanan ako anak...  nag-nakaw ako ng tatlong-milyon anak," umiiyak na kumpisal nito. "Tulungan mo naman ako anak, ayokong makulong."
       "Nagnakaw kayo ng tatlong milyon, Daddy?" nagimbal nitong tanong.
       "Oo anak at wala nang natira naubos ko na sa sugal..." muli nitong kumpisal. "Ayokong makulong, tulungan mo ako.... p-pakasalan mo na lang siya..."
       "Ha !" sabay na bulalas niya at ng anak nito.
       "Sira ulo ka ba, pinagnakawan mo na nga ako tapos ipapakasal mo pa ako sa mukhang malignong ito ha?" sigaw nito na nanlalaki ang mga matang nakatitig sa anak nito.
       "Ang kapal ng mukha mo a, anong mukhang maligno !'" bulalas nito subalit nang makita ng sarili sa salamin ay bigla ring natigilan.
       "Anak, huwag ka nang makipag-away, tulungan mo na lang ako. Hindi ko na siya kayang bayaran..."
       "Ayoko po Daddy...." reklamo nito. "Humanap na lang tayo ng ibang paraan."
       Sa tinuran ng anak ay bigla na lang itong lumuhod sa harapan niya at nagmakaawa..."Sir patawarin niyo na po ako. Maawa na po kayo sa akin huwag niyo po akong ipakulong..." Muling bumaha ang mga luha nito. Nakakaawa itong pagmasdan sa malabis na pag-iyak. At sa malabis na pag-iyak nito ay bigla na lang itong nahimatay.
       "Daddy! Daddy!" nahintakutang sigaw ng anak nito. Lumuhod sa tabi nito at nag-iiyak na pilit na ginigising ang ama nito. Lumuha ito nang lumuha yakap-yakap ang ama.
       Hindi na makapagsalita si Mike mula sa kanyang kinauupuan. Hindi niya malaman kung ano na ang kanyang gagawin. Hindi na rin niya maunawaan kung ano ang dapat niyang maramdaman sa 
mga sandaling iyon. Lubha siyang nabagabag sa mga nangyayari sa harapan niya. Ipinikit niya nang mariin ang kanyang mga mata. Napahinga siya nang malalim. Muli niya itong sinulyapan. Sa patuloy na pagtangis ng anak nito ay dahan-dahan itong kumilos nang bahagya. Pagkatapos ay dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata. Muli itong lumuha. Nakatitig ito sa kanya. Tumungo itong muli at patuloy na lumuha. "Daddy... " mangiyak-ngiyak na sambit ng anak nito.
       Humingang muli nang malalim si Mike. "O sigi tatanggapin ko na ang alok mong bayad sa akin."
       Bigla naman itong nabuhayan ng loob. "Sigi po pakasalan niyo na po ang anak ko..."
       "Ano! Hindi iyan ang ibig kong sabihin... Gagawin ko na lang siyang katulong sa bahay ko. Pagsisilbihan niya ako hanggang sa mabayaran niya ng utang mo sa akin..."
      Hindi na rin nakaimik pa ang anak nitong babae. "Maraming salamat po sir... maraming salamat po..." Sumulyap itong muli sa anak nito. Tumango na lang ito at tila payag na sa kagustuhan nito.
      Bumuga siya nang hangin at agad na tumayo. "Halika na at nang maumpisahan mo nang bayaran pagkakautang ng ama mo sa akin!" utos niya rito. 

                                                                                           Chapter 3

      PINAHID kaagad ni Margaret ang kanyang mga luha. Tumayo ito sa kanyang pagkakaluhod kanina habang hawak-hawak ang kanyang nahimatay na ama. "Daddy, sasama na po ako sa kanya," paalam niya rito. "Alagaan niyo po ang sarili niyo. Dadalaw-dalaw na lang po uli ako rito." Tumalikod agad ito pagkatapos. Nakita agad niya ang nakatalikod at palabas na si Mike. Huminga siya nang malalim na nakatitig dito para kalmahin ang sarili niya. Lumingon siyang muli sa Daddy niya bago tuluyang sumunod rito palabas ng bahay. Nagpatuloy ito sa paglalakad sa kahabaan ng kanilang bakuran. Naramdaman nito ang pagsunod niya kaya liningon siya nito. Nagkatitigan agad sila. Parehong blangko ang ekspresyon ng mga mukha nila. Bumuga agad ito ng hangin. Galit pa rin ito. Nang umiwas siya ng tingin ay nagpatuloy na ito sa paglabas ng kanilang gate. Sumunod uli siya. Pagkalabas niya ng gate nila, nakita niya itong sinususian at binubuksan ang kanyang kotse. Lumingon muli ito sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay 
biglang umiling. Umiling ito nang umiling habang patuloy na pinagmamasdan siya. Ilang sandali pa'y pumasok na ito sa kanyang sasakyan. Lumapit naman agad siya sa tabi ng sasakyan nito. Biglang nagbukas ang power door nito sa likuran. Walang kaimik-imik na pumasok siya sa loob. Naupo siya sa may likuran. Nakatitig siya buhok nito. Umiwas kaagad siya ng tingin nang mapansing pinagmamasdan siya nito sa rear view mirror niya. Naramdaman niyang bigla itong bumuga ng hangin. Walang kaabog-abog na  mabilis na pinaharurot nito ang sasakyan. Nabigla siya kaya humampas ang ulo niya sa sandalan ng upuan ng sasakyan. Hindi na siya umimik kahit nakaramdam siya ng galit sa ginawa nito. Nagkasya na siyang tapunan na lang ito ng matatalim na tingin. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho. Hindi na ito muling lumingon sa kanya. Napakatahimik ng loob ng sasakyan. Malayo na ang nararating nila pero wala pa ring nangahas na magsalita ni isa sa kanilang dalawa. Bumuntong-hininga ito at bumuntong hininga rin siya. Bumuntong-hininga ulit ito. Bumuntong -hininga ulit rin siya. Nainis ito. Muli nitong itinuon ang buong atensyon sa pagmamaneho. Nagkaibit-balikat lang siya. Bigla namang tumigil ang sasakyan. Napansin niyang ini-start muli nito ang sasakyan. Pero hindi pa rin gumana. Lumingon ito bigla sa kanya. "Hoy lumabas ka nga sandali at itulak mo itong sasakyan ko!" utos nito sa kanya.
       Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Ngumiti lang ito. "Itutulak ko itong sasakyan mo..."
       "Oo," simpling sagot nito.
      Naalala niya bigla ang malaking pagkakautang ng ama niya. Huminga siya nang malalim. Biglang bumukas ang power door nito. Tumungo na lang siya at walang kaimik-imik na lumabas ng sasakyan. Lumibot kaagad siya sa likuran nito. Nakatayo siyang nakatingin dito. Inilapat niya ang mga palad niya rito.
      "Hoy ano ba! Sabi nang itulak mo eh!" malakas at muling utos nito mula sa loob ng sasakyan.
      Kaya tinulak na niya ito. Tinulak niya nang tinulak subalit hindi man lang matinag-tinag ang sasakyan sa gitna nang maluwang na kalsada. Sumubok pa rin siya. Subalit hindi pa rin ito gumalaw. Sinubukan pa rin niya nang sinubukan hanggang sa unti-unti na siyang makaramdam ng pagod. Pinagpapawisan na siya ng husto Hinihingal na rin siya. Hindi na niya matagalan ang malabis na pagkapagod sa kakatulak kaya napilitan na siyang tumigil sa ginagawa niya. "Hindi ko na po talaga