"Maliligo ka na ba ha?"
       "Oo sana," nasabi lang niya. "Ang kaso wala akong nadalang damit kanina."
      "O sigi, pumasok ka na lang at ibibili kita ng bistida sa may boutique sa baba ng tower," utos at banggit nito. "Sandali galit ka pa rin ba sa akin ha?"
      "Hindi na po sir.... wala na ho sa akin iyon." Pagkapasok niya sa kwarto ay kaagad namang bumaba ito para bumili ng damit na maisusuot niya.
     
                                                                                       Chapter 4

       SA LOOB ng kwarto ay kaagad nakita ni Margaret ang nakabukas na pintuan ng shower. Matapos niyang muling maisara ang pintuan ng kanyang kwarto ay kaagad na itong nagtungo sa loob ng banyo. Binuksan niya ang shower. Nag-umpisa kaagad siyang maligo. Tamang-tama lang lamig ng tubig na umaagos mula sa shower head. Ilang sandali pa'y gumanda na kaagad ang pakiramdam niya. Nang matapos na siya ay kaagad siyang nagpatuyo gamit ang malinis na tuwalyang nakita niya roon. Lumabas siya ng banyo at naupong nakatapis ng puting tuwalya sa isang upuan sa harap ng pabilog na salamin. Pinagmasdan niyang mabuti ang kanyang kaanyuan. Napailing na ngumiti lang siya. Lumingon siya sa may pintuan nang marinig niyang may kumakatok roon.
      "Margaret, si Mike 'to, tapos ka na ba ha?" malakas na tanong nito mula sa labas ng pintuan.
      "Opo sir, tapos na po ako," malakas na sagot naman niya mula sa loob ng kwarto.
      "O sigi buksan mo nang bahagya itong pintuan nang maiabot ko sa iyo itong dala kong bistida," utos nito.
      Sumunod naman siya kaagad. At nang makita ang damit ay kaagad niya itong kinuha at muling isinara ang kanyang pintuan. Isinuot niya ito kaagad at muling pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kanyang sariling kamay dahil wala siyang nakitang suklay roon.
      UMUPONG muli si Mike sa kanyang sofa sa may sala. Lumingon siya nang maramdaman niyang bumubukas ang pintuan ng kwarto nito. Bumukas ang pintuan at tumambad sa harapan niya si