papasukin ko na ba?" tanong nito sa kanya.
"O sigi papasukin mo na," sagot naman niya agad.
Pumasok naman kaagad ang aplikanteng lalaki. Binati kaagad siya nito. Bumati naman agad siya pabalik. Pinaupo kaagad niya ito sa harap ng misa niya. Sinimulan kaagad niya itong interview-hin. Marami siyang tinanong dito tungkol sa pamilya niya at sinubok din niya kung talagang babagay ito sa nasabing posisyon sa kanilang kumpanya. Sumagot naman ito nang maayos kaya natuwa siya rito. Napahanga siya sa working experience nito. Pagkalipas ng ilang sandali ay ngumiti siya rito. Pumasa ito sa kanya. Siya na ang bagong Chief Accountant ng kumpanya nila. Matapos niya itong masabihan na nakapasa na ito ay agad naman itong nagpasalamat bago umuwi. Makalipas ang isang buwan nagsisigaw sa loob ng opisina niya si Mike. Pinagnakawan ang kompanya nila ng bagong Chief Accountant nila. Tatlong milyon ang ninakaw nito. Tatlong araw na rin itong hindi pumapasok kaya nagpupuyos siya sa galit dito. Pati ang ibang mga empleyado ay nabubulyawan na rin niya sa sobrang galit niya rito. Inis na inis siya sa sarili niya dahil madali niya itong pinagkatiwalaan at ganoon din sila kadaling napagnakawan. Umupo siyang muli sa kanyang upuan sa likod ng kanyang misa. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa kanyang nanginginig sa galit na mga palad. "Aaaaah...... bwisit.... bwisit talaga," sambit niya. "Patay ako sa Daddy ko nito. Tiyak malalagot ako nito pag nalaman niya to...." Kaagad niyang binuksan ang kanyang computer at binasang muli ang files nito. "Mapuntahan nga kita sa addresss mong ito, mananagot kang talaga sa aking gago ka..." Kinansela niya agad lahat ng appointments niya para sa araw na iyon. Bumaba kaagad siya sa basement parking at binuksan ang kanyang sasakyan. Sa inis niya ay nahampas pa niya ang manebela. Huminga siya nang malalim at pilit na kinalma ang sarili niya. Subalit kahit anong gawin niya hindi matanggal-tanggal ang galit niya rito sa ginawa sa kanila. Kaya kaagad niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan para makipagtuos sa kanilang magnanakaw na Chief Accountant. Habang nasa kalye pa lang siya ay iniisip na kaagad niya kung ano ang mga sasabihin niya rito. Kung papaano niya ito mumurahin at pipiliting papanagutin sa mga pagkakasala nito. Nahampas niyang muli ang manebela. Napahinga muli siya nang malalim. Galit na galit pa rin siya habang patuloy na nagmamaneho patungo sa address nito. At pagkatapos ng ilang sandali'y nakita na niya sa wakas ang tahanan nito.