ng kaibigan mo," iiling-iling niyang nasabi.
"Hoy anong nakalimutan, hinintay lang namin na makatapagtapos iyon ng pag-aaral at ngayong nakatapos na siya, panahon na para magkakilala kayong dalawa," pagtatapat nito sa kanya.
"Sigi po sandali lang at magbibihis muna ako," ngingiti-ngiting sagot niya rito.
"Bilisan mo't naghihintay na sa akin ang kaibigan ko," pagpapaalam nito sa kanya.
"Ba't ni minsan parang hindi ko yata nakita iyang kaibigan mo Dad ha," banggit niya habang nagpapalit ng damit sa loob ng kanyang condominium unit.
"Kaya nga bilisan mo nang magbihis riyan nang magkakilala na kayong dalawa pati ng anak niya," utos muli nito.
Nagmadali naman siya kaagad . "O ayan tapos na akong magbihis Daddy, tayo na," nakangising sabi niya.
"Sandali iinom lang ako at nauuhaw ako," sabi nito na kaagad tumalikod sa kanya at nagtungo sa refrigerator niya para kumuha ng malamig na tubig. Pagkabukas nito ng refrigerator ay kaagad kumuha ng bote ng mineral water pagkatapos ay muli itong isinara. Binuksan agad nito iyon at uminom. Nawala kaagad ang uhaw nito. "Mike, tapos na akong uminom, halika na," sabi nito sabay talikod. "Mike!!!" Wala na si Mike, tinakasan na siya nito. Napailing na lang sa pagkainis ito at kaagad na iniwan ang condominium unit niya. Nagbakasali pa itong maabutan siya nito sa basement parking pero hindi rin siya nito naabutan. Wala na rin ang asul na kotse niya.
Chapter 2
PAGKALIPAS ng isang linggo nasa kanyang opisina ang matangkad, makisig at guapong-guapong si Mike. Nagugustuhan kaagad siya ng mga kababaihan dahil sa nakakakilig na mga titig niya. Binabasa niya ang resume ng isang aplikante sa pagka Chief Accountant sa loob ng opisina niya. Nakapasa na ito sa lahat ng iba pang mga evaluations na pinagdaanan nito at hinintay na lang ang final interview niya. Bigla namang nagbukas ang pintuan ng office niya at isiningit ng kanyang sekretarya ang kalahating katawan nito. "Sir andito na ho 'yong para sa Chief Accountant ho,