Chapter 1
BIGLANG bumukas ang pintuan ni Mike at pumasok ang kanyang amang si Sergio. "Bata ka, 23 years old ka na hindi ka pa rin nag-aasawa. Papalit-palit ka na lang ng girlfriend. Magbihis ka't sasama ka sa akin. Pupuntahan natin ang mapapangasawa mo!"
"Ano !" bulalas niya. "Mapapangasawa ko, keylan ako nag-propose at kanino?"
"Basta magbihis ka na riyan," utos nito sa kanya.
"Sandali lang," nasabi niya na biglang may naalala.
"Buti naman at mukhang naiintindihan mo na," nasabi na lang nito.
"Daddy naman akala ko ba tinigilan niyo na iyong pangarap mong ipakasal ako sa dalagang anak