Margaret. Halos malaglag siya sa kinauupuan niya. Hindi siya makapaniwalang ang babaeng pinagmamasdan niya ay ang parehong babaeng kasama niyang dumating kanina. Napakaganda nito. Napatayo siya bigla sa kanyang kinauupuan. Titig na titig sa mukha nito na lumapit siya. 
     "Margaret..." usal niya. "Napakaganda mo... napakaganda mo pala..."
     Ngumiti lang ito sa kanya. "Pwede na ba akong umupo sa sofa mo ngayon ha?" tanong nito.
     "Ha, oo, oo pwedeng-pwede," nagkukumahog na sagot niya rito. Tumungo naman kaagad ito sa sofa at naupo sa pinakagilid at kaliwang bahagi ng sofa.
     Mula sa kanyang kinatatayuan ay patuloy niyang pinagmasdan ito na hindi pa rin makapaniwala sa pagbabagong anyo nito. Sumulyap ito sa kanya kaya dahan-dahan siyang lumapit.
     Nagkabaligtad bigla ang sitwasyon nilang dalawa. "Pwede ba akong maupo ha?" tanong niya.
     "Ha, oo naman, sofa mo ito di ba," sagot lang nito
     "Oo nga pala ano," sabi niya at mabilis na umupo sa tabi nito.
     Tiningnan siya ni Margaret sa sobrang lapit ng pagkakaupo niya sa tabi nito. Tinablan siya ng tingin nito kaya umurong siya nang bahagya. Napansin niyang natutuwa ito sa pinapanuod kaya muli siyang nanuod ng TV. Huminga siya ng malalim at tumingala na tila nagpapasalamat sa kanyang magandang kapalaran. Nagpasalamat siya na bago ito pumasok sa kwarto ay naisipan niyang humingi muna ng paumanhin rito sa mga inasal niya. Muli siyang nagsalita. "Margaret, hindi ba nag-sorry na ako sa iyo kanina...."
     Lumingon ito sa kanya sandali at muling tumutok sa pinapanuod. "Ha, oo nag-sorry ka nga..." sagot nito.
     Natuwa kaagad siya sa sagot nito. "At sabi mo hindi ka na galit sa akin..."
     Itinagilid nito nang bahagya ang kanyang ulo na sumulyap nang kunti sa kisami. "Oo sabi ko nga."
     Ginanahan naman agad siya sa narinig niya. "Kung ganoon magkaibigan na tayo..."
     "Nakikipagkaibigan ka ba sa akin..."
     Humagilap agad siya ng sagot rito. "Ha oo, sa ngayon oo."
     "Ha," sabi lang nito.
     Lumanghap siya hangin. Pakiramdam niya'y dapat niyang itama ang isinagot niya. "Basta bati na tayo," mabilis na sabi niya. Mas tamang sagot iyan para sa ating dalawa, nangingiting naisip niya.
     Natawa ito sa bahagyang pagwawasto niya sa naunang sagot niya. "Sandali hindi mo pa nasasabi sa akin kung ano ang magiging trabaho ko rito..." pagpapaalala nito sa kanya.
     Nag-isip kaagad siya kung ano ang magaang pwede niyang iutos rito. "Kung ipagluto mo na lang muna kaya ako," sagot agad niya na bahagyang hinimas-himas ang tiyan niya at nakatingin rito. "Nagugutom na rin kasi talaga ako eh."
     "Sigi ipagluluto ko na po kayo sir." Tumayo naman kaagad ito at tinungo ang kusina nito. Binuksan nito ang refrigerator. Nakita niya ang isang pack ng spaghetti at tomato sauce. Kinuha niya ang mga ito kasama ang iba pang sangkap na gagamitin nito sa pagluluto. Binuksan kaagad nito ang mga kailangang buksan para makapag-umpisa na itong magluto. Matapos ang ilang minutong pagpapakulo ng tubig ay isinalang na nito ang spaghetti. Habang naghihintay sa pagkaluto nito ay inumpisahan na nitong asikasuhin ang mga gagamitin para sa sauce nito.
      Habang nagluluto ito ay patuloy naman siyang nanunuod ng TV. Nasa likuran lang niya ito. Hindi niya mapigilang lumingon nang lumingon rito habang nagluluto ito para sa kanya. Napapansin nito ang parati niyang paglingon-lingon rito. Ipinagpatuloy nito ang pagluluto. Ipinagpatuloy naman niya ang panunuod. Habang tumatagal bahagyang nahihirapan na siyang magkunwari na gusto pa niyang manuod ng palabas sa TV dahil ang totoo mas gusto niyang panoorin ang mas magandang palabas sa likuran niya. Naglakas-loob muli siyang lumingon dito. Nagtama ang kanilang mga mata. Tumayo na kaagad siya at hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Lumapit siya kaagad rito. Tumindig siya sa tabi nito. Umubo siya nang bahagya at ibinaling ang ulo niya sa tabi nito. Tiningnan niya ito sa mata. Nagdesisyon siya kaagad. Dederechohin na niya ito. Magtatapat na siya kaagad ng nararamdaman niyang paghanga para rito. "Gusto kita Margaret."
Narinig siya nito. Hindi ito umimik. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa niyang pagluluto. Kaya muli niya itong inulit. "Gustong-gusto kita Margaret." Naghintay siyang muli kung ano ang isasagot nito sa pagtatapat niya. Subalit hindi pa rin ito sumagot. Tumuloy pa rin siya. "Alam kong hindi naging maganda ang una nating pagkikita. Nagalit ako sa ama mo, nadamay ka at nagalit rin ako sa iyo. Subalit ngayon wala na lahat iyon." Muli niya itong sinulyapan. "Gusto kita Margaret."
Subalit hindi pa rin ito umimik at nagpatuloy muli sa pagluluto. Napabuga siya ng hangin, hindi siya sanay na hindi nagkakandarapa ang mga babae sa kanya.  Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata at muling huminga nang malalim. Namula nang bahagya ang pisngi niya. Napamulsa siya sa naramdamang pagkapahiya dahil hindi siya iniimik nito. Napansin iyon ni Margaret. Nginitian siya nito. Nabuhayan naman agad siya ng loob. "Gustong-gusto kita Margaret kaya gusto ko talagang makasama ka rito sa bahay ko. Subalit hindi magandang tingnan na magkasama ang isang dalaga at isang binatang katulad ko sa iisang bubong, kaya napagpasyahan ko nang isusuli na lang kita sa inyo, sa ama mo."
       "Gagawin mo iyan," nagulat na biglang sabi nito sa kanya.
       Hinarap niya ito. "Oo Margaret, isusuli na kita sa inyo."
       Tumitig ito sa kanya, napaluha ito. Dumukot kaagad siya sa bulsa niya at kinuha mula roon ang panyo niya. Iniabot niya ito rito. Kinuha naman nito ang panyo at marahang pinahid ang mga luha nito. Pagkatapos ay pilit itong muling ngumiti sa kanya. Bahagyang may pag-aalinlangang nagslita itong muli. "Papano si Daddy... papano iyong pera..."
       Huminga muna siya nang malalim bago sumagot. "Hindi ko na siya sisingilin, nasa sa kanya na iyon kung isusuli pa ba niya sa akin ang pera o hindi."
       Nag-aatubili pa rin ito. Napansin niya ito. "Seryoso ako sa sinasabi ko sa iyo Margaret." Pagkatapos ay nginitian niya itong muli. "Halika na isusuli na kita, ihahatid na kita sa inyo."
       Tiningnan siya nito ng mariin sa mga mata niya. Napagtanto nitong bukal sa loob niya ang inaalok niya. Ngumiti ito bago muling nagsalita. "Papaano itong spaghetti.... "
       "Oo nga ano, di kainin na muna natin bago kita ihatid," mabilis niyang sagot rito.
       "O sigi maupo ka na riyan at ipaghahain na kita," sabi nito. Kaagad namang umupo siya sa likuran nang kanyang misa. Nakatitig na pinagmamasdan niya ang napakagandang si Margaret habang ipinaghahanda siya nito ng spaghetti. Humakbang kaagad ito palapit sa kanya dala ang isang platong may laman na masarap na umuusok-usok na spaghetti. Tumayo siya kaagad para tulungan siya sa dala nitong plato. Natawa ito sa ginawa niya. "Isang plato lang to, kaya ko na to..."
Natawa rin siya sa sinabi nito, natawa rin siya sa sarili niya. Nang mailagay na nito ang plato sa misa ay mabilis naman siyang kumuha rin ng isa pang plato at nilagyan rin ito ng spaghetti. "Spaghetti para sa iyo magandang binibini," hirit niya pagkalapit niya rito. "Bati na talaga tayo nito." Natawa uli ito sa pag-arte niyang tuwang-tuwa dahil bati na talaga sila.
       "O sigi ito, bati na talaga tayo," sabi nito. "Alam mo nakakatuwa ka rin pala. Para kang kengkoy, hindi bagay sa mukha mo."
       "At bakit naman..." sabi agad nito. "Ikaw ha, hindi ka sumasagot kanina ng sinabi kong gustong-gusto kita tapos ngayon..."
       "Walang ibig sabihin iyon 'no," ngingiti-ngiting bawi agad nito
       "Okey sabi, mo eh, basta ako may pakiramdam ako, napapansin mo na kung ano meyron ako," natutuwang sabi niya. "Tabla na tayo..."
       "Sigi na nga kumain ka na," sabi nito.
       "Saka na..." Lumibot agad siya sa likuran nito at hinila ang isang upuan. "Dito ka maupo, para kitang-kita kita habang kumakain ako." Umupo naman ito sa inialay niyang upuan. Lumibot siyang muli at umupo sa upuan niya. Tiningnan niya itong muli sa mukha nito. "Walang kaduda-duda bati na talaga tayo. Kita mo o nagkakangitian na tayong pareho."
      "Oo na nga bati na talaga tayo," ulit nito.
      Kumain na kaagad sila. Sinadyang niyang lakihan ang pagsubo ng spaghetti. Mabilis na mabilis niya itong nginuya at kaagad na nilulon. Biniro naman kaagad siya nito na maghinay-hinay sa pagkain at baka siya mabulunan. Sa isang iglap lang natapos agad siyang kumain. "Ang sarap talaga ng spaghetti mo Margaret. Ngayon lang ako napakain ng spaghetti ng ganito kabilis sa sobrang sarap. Ang swerte talaga nang magiging boyfriend mo ano." Ngumisi lang ito sa eksaheradong ekpresyon nang mukha niya.
       "Ikaw Margaret ha, dapat ka rin pa lang mag-sorry sa akin ha," hirit niya na pabirong nakatitig sa mukha nito.
       "Ikaw ha ano na naman," sabi lang nito.
       "Ang dami-dami ko nang sinabi tungkol sa hitsura mo, tapos ang ganda-ganda mo naman pala. Kaya pala nginisihan mo lang ako kanina," ngiti-ngiti at iiling-iling na sabi niya.
       "Talaga bang nakakagandahan ka sa akin ha?" tanong lang nito.
       "Oo naman, halos malaglag nga ako sa kinauupuan ko kanina ng makita ko iyang totoong mukha mo," pagtatapat niya. "Buti na nga lang nakakapit ako, kung hindi baka nalaglag ako sa sahig." Ngingiti-ngiting umiling lang ito. "Sandali, ano bang nangyari at nagkaganoon ang hitsura mo ha?" mabilis niyang tanong rito.
      "Wala, nanonood kasi ako ng TV sa kusina namin. Tapos may napanood akong isang grupo na nagsasayaw na may mga palayok sa ulo nila. Gagayahin ko sana kaso wala akong palayok. Kaya napagdiskitahan ko ang palanggang puno ng harena na gagamitin ko sana sa pagluluto. Kaya habang sumasayaw sila sa TV, nakisabay rin ako na may binabalanse namang palanggana sa ulo ko. Ang kaso biglang may nakitang daga ang pusa kong si Moning, hinabol niya ito at nagtatakbo papunta sa paanan ko. Napatalon ako nang mataas sa sobrang takot kaya ayon pagbagsak ko nadulas pa ako at natapon lahat ng harena sa buong mukha ko at sa kung saan-saan pa. Ang sakit-sakit nga nang pagkakabagsak ko sa sahig, eh. At sa sobrang sakit nga nito ay hindi ko na masyadong namalayan  na natapunan ang buong ulo ko ng maraming harena. Tapos si Daddy hindi rin ako sinabihan. Kaya lumabas ako ng kusina na walang alam na mukha na pala akong..." pagsasalaysay nito na agad pinutol sa dulo sa kahihiyan nito sa ginawa nito.
       "Oo na tinawag kitang maligno..." pagtatapos niya sa kwento nito. "Ikaw pala iyong narinig kong sumigaw nang malakas mula sa gate pagkarating ko sa inyo."
       "Narinig mo pala iyon," sabi lang nito.
       "Oo, ang lakas kaya noon," sagot lang niya na biglang sumeryoso. "Mahal ka bang talaga ng Daddy mo ha?"
       Napatingin ito sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"
       "Malaki naman talaga ang 3 milyon, pero sapat na ba iyon para ipambayad ka ng Daddy mo ha?" tanong niya rito.
      "Mahal ako noon," sagot nito. "Pero ang pinagtataka kong talaga ay kung papaanong naubos niya iyon sa sugal gayong sa pagkakaalam ko hindi naman nagsusugal iyon eh. Duda nga ako kung nakatuntong na iyon ng casino maski isang beses lang. Mabait ang Daddy ko ano."
     "Sandali, oo nga ano, pero hindi naman iyan ang sinabi niya sa akin. Ang sabi niya pinangtubos niya raw sa bahay niyong malapit ng mailit," pagtutugma-tugma niya sa mga sinabi nito sa kanilang dalawa.
     "Ha talaga, iyan ang sinabi niya sa iyo. Bakit naman kailangang tubusin ang bahay namin, eh sigurado naman akong hindi nakasangla iyon. Nasa akin kaya ang mga papeles noon. Nakita ko nga iyon ng maghalungkat ako sa aparador ko sa kwarto ko kahapon eh."
     "Imposible ngang masangla niya ang bahay niyo kung ganoon," pagtitiyak niya. "Ano nga kaya, nagtataka na talaga ako."
     "Ako nga rin eh."
     "Kung ganoon saan naman napunta iyong perang ninakaw niya," tanong niya kaagad.
     Pinagmasdan siya nito ng mariin. "Sigurado ka ba talagang ang Daddy ko ang nagnakaw noon, ha?"
     Napatingin lang siya rito. "Inamin niya sa akin."
     "Sa pagkakaalam ko maayos naman ang buhay namin sa ngayon, aanhin naman kaya niya iyon, hindi naman talaga siya nagsusugal at lalong hindi nakasangla ang bahay namin."
    "Oo nga ano, tapos ikaw pa agad ang ipinambayad niya. Pakasalan na lang daw kita," nasabi niya na biglang may naalala. "Duda ako...sandali hindi kaya..."
     Kumunot ang noo nitong nakatitig sa serysong mukha niya. "Hindi kayang ano..."
     "Alam mo ako, may pre-arranged marriage ako. Matagal nang nabanggit ang Daddy na may babaeng napili na siya para pakasalan ko. Nabangit nga niya sa 'kin uli ito kamakailan lang. Gusto niya akong isama sana para magkita na kami, pero siyempre tumakas ako," pagtatapat niya.  "Ang Daddy mo ba may nabanggit sa iyo dati na gusto niyang makatuluyan mo ha?" tanong niya na nakatitig sa mukha nito.
     "Oo sixteen years old pa lang ako, may nababanggit na siya," sagot nito. "At ngayon nga bago lang nabanggit na naman niya ulit ito. Pero syempre tumanggi ako. Ano ako basta na lang papayag magpakasal sa hindi ko naman mahal" "
     "Ako may pre-arranged marriage, at ikaw naman ganoon din... hindi kaya...  hindi kaya tayong dalawa lang ang tinutukoy nila pareho," biglang naisip ni Mike.
     "Ha," nasabi lang nito na napaisip ding bigla. "Tayong dalawa ang tinutukoy nila pareho?"     
     Napailing siya. "Tama, naisahan nga tayo, tayong dalawa ang itinakda nilang ipakasal sa isa't isa," napagtanto niya. Pero bigla ring ngumiti at tumawa nang marahan at tumitig sa magandang mukha nito.
     Tumitig din ito sa kanya. "Ikaw pala iyon..." sabi lang nito.  
      "Alam mo na namang gustong-gusto kita at gandang-ganda ako sa iyo," hirit niya. "Ako ba pogi na para sa iyo ha..." tanong nito na nakatingin ng mariin sa mga mata niya
       "Hmn... eywan..." nakangiting sagot nito
       "Eh kung pagbigyan na lang kaya nating dalawa," suhestyon niya rito.
       "Ganoon lang pagbigyan na lang nating dalawa pareho. Saka hindi pa ako nagkaka-boyfreind," reaction niya.
       "Hindi ka pa nagkakaboyfriend, may nanligaw naman siguro sa iyo sa ganda mong iyan," pagtatantya niya.
       "Oo naman, pero hindi makaporma. Tinatanggihan ko kaagad 'no," mabilis na sagot nito.
       "Ako naman medyo marami na rin akong naging girlfriend, pero wala akong niligawan kahit isa sa kanila," pagtatapat niya.
       "Ang yabang talaga nito," nasabi na lang nito.
       "Eh sa ganoon eh, anong magagawa ko," sabi lang niya. "Saka hindi pa ako naiin-love, kaya bakit ako manliligaw."
       Hindi na ito umimik pa at ibinaling na lang ang tingin sa palibot ng bahay nito.
       "Iyong sabi ko sa iyo, na kung pagbigyan na lang kaya natin," ulit nito. "Para matigil na lang. Subukan lang natin."
       "Ikaw talaga, papano naman natin susubukan, sigi nga," tanong niya.
       "Eh di parati kitang pupuntahan, parati kitang dadalawin, siguro ganoon," nasabi lang nito.
       "Manliligaw ka ganoon," sagot niya.
       "Ha, oo parang ganoon siguro," tango nito. "Nasabi ko na naman sa iyong, gustong-gusto kita pero hindi ko pa alam kung mahal na ba talaga kita.
       Hindi na naman siya umimik.
       "Ano ba't wala kang imik diyan ha..." tanong nito. "Wala naman pala talagang ninakaw ang Daddy mo eh. Kaya dapat lang talaga kitang isuli sa inyo gaya nang nasabi ko na kanina. At pagkatapos mag-uumpisa na tayo."
       "Bahala ka nga, pero huwag kang masyadong umasa ha," nasabi lang niya.
       "Ikaw naman syempre aasa ako. Basta maayos na lahat, okey na tayo," nakangiting banggit niya rito. "Nakakahiya naman, may pasabi-sabi pa akong hindi ko na lang sisingilin ang Daddy mo sa 3 milyon.... "
       "Nabaitan nga ako sa iyo eh, dahil diyan..." nakangiting pagtatapat nito.
       "Talaga..."
       "Oo, kaya nga pumapayag na ako sa gusto mong subukan nating pagbigyan na lang ang gusto ng mga magulang natin."
       "Ganon ba, basta pangako ko sa iyo, hindi mo ito pagsisihan," paniniguro niya. "Gagawin ko ang lahat para maging masaya tayong dalawa."
       Natapos na silang kumain kaya muli silang naupo sa may sofa at ipinagpatuloy ang panunuod ng palabas sa telebisyon. Mas malapit na ang pagkakaupo nila sa isa't isa. Panay na rin ang sulyapan at ngitian ng dalawa. Sinisigurado niyang maramdaman nito ang malaking pagkakagusto niya dito. Pinararamdam din nito na natutuwa ito sa malabis na atensyong ibinibigay niya rito.
        "Sa tingin ko na kay Daddy lang din ang tatlong milyon," sabi niya.
        "Sa tingin mo..."
        "Kasi kadalasan, siya ang mas nauunang nakaalam kaysa akin pagdating sa finances sa opisina namin. Masyado siyang tahimik tungkol dito. Tama na kay Daddy nga lang iyon," paniniyak niya rito. "Papano pala, sasabihin ba natin sa mga magulang natin na alam na natin na tayong dalawa ang nais nilang magkatuluyan?" tanong niya rito sa tabi niya.
       "Ikaw ano ba sa tingin mo ang dapat ha?" balik-tanong nito sa kanya.
       Nag-isip muna siya bago nagsalita. "Hindi ko rin sigurado eh, huwag na lang muna siguro. Basta pupuntahan at dadalawin na  lang kita palagi..."

                                                                                   Chapter 5@@

        GABI na nang makabalik sa kanilang bahay si Margaret. Gaya nang sabi ni Mike inihatid siya nito sa kanilang bahay. Pumasok sa loob ng kanilang bakuran ang sasakyang minamaneho nito. Bumaba naman kaagad ito para alalayan siyang lumabas ng kotse nito. Inihatid siya nito sa may pinto. Matapos siya nitong titigan sa mukha ng mariin ay kaagad na itong nagpaalam. Sumakay uli ito sa kanyang sasakyan at dahan-dahang lumabas mula sa kanilang bakuran. Inihatid niya ito ng tingin. Nakita niyang kinawayan siya nito nang malapit na ito sa kanilang nakabukas na gate. Kinawayan niya rin ito pabalik hanggang tuluyan na nga itong makaalis at mawala sa paningin niya. Nakangiting nagbuga muna siya ng hangin bago tuluyang pumasok sa loob ng kanilang bahay. Hindi niya nadatnan ang kanyang ama, kaya tumuloy siya sa kanyang kwarto. Pagkapasok na pagkapasok niya ay kaagad siyang sumampa sa kanyang magarang kama. Hindi mabura-bura ang ngiti sa mukha niya. Hindi siya makapaniwalang ang akala niyang napakasama at napakalungkot na araw na iyon ay magtatapos na puno ng kasiyahan at kaligayahan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakita siya ng isang lalaking pumukaw sa kanyang natutulog na damdamin. Marami ang nanliligaw sa kaniya. Kahit hindi niya sinasagot ang mga ito sa loob ng mahabang panahon ay sigi pa rin ng sigi ang mga ito sa panliligaw sa kanya dahil sa nakakamanghang kagandahan niya. Matangkad, maganda ang tindig at maganda ang katawan. Maamo at inosente ang mukha niya. Mukha siyang anghel na bumaba sa lupa kaya lahat ng nakakita sa kanya ay napapatingin sa malabis na paghanga sa kanya. Ang mga masugid niyang manliligaw ay naging napakabait at maalalahanin sa kanya subalit hindi niya makuhang magustuhan ang mga ito. Samantalang si Mike na halos iisang araw pa lang silang nagkita at nagkasama ay tila may nararamdaman na siya para rito. Hindi pa niya matiyak sa sarili kung ano talaga ito, basta ang sigurado niya ay masayang-masaya siya at hinihintay niya ang mga susunod na mga araw na muli na naman silang magkikita at magtatagpo. Muli siyang tumayo at humarap sa salamin. Pinagmasdan niyang muli ang kanyang kaanyuan. Bumagay sa kanya ang ibiniling dilaw na bistida sa kanya nito. Nangiti siya ng maisip na iyon ang pinakaunang bagay na natanggap niya mula rito. Muli siyang nahiga sa kanyang kama. Nakatingin siya sa kisami habang patuloy niya itong iniisip. Napiling na napangiti na lang siya ng maalala na pinagtulak siya nito ng sasakyan nito. Nalala rin niya nang mag-sorry ito sa kanya. Natatandaan niya lahat ng mga nagyari sa kanilang dalawa sa araw na iyon. Para iyong palabas sa video na replay ng replay sa utak niya at nagdudulot ng ngiti at kaligayahan sa puso niya. Gustong-gusto niya na rin ito, napagtanto niya. Ilang sandali pa'y tuluyan na itong nakatulog. Nang mga alas dose ng gabi ay naulanigan niyang dumating na ang kanyang ama. Naramdaman din niyang sumilip ito sa kanya at tiningnan siya ng mga ilang saglit sa pagkakahiga bago tuluyang tumuloy sa sariling kwarto nito. Muli siyang nakatulog. Napakahimbing nang tulog niya sa gabing iyon.
       Muli niyang naulanigan ang kanyang papaalis na ama. Umaga na at kagigising lang niya. Agad niyang naramdaman ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Ngiting alam na alam niyang si Mike ang may dala. Tumuloy siya sa kanyang banyo at kaagad na naligo. Matapos niyang makapagpatuyo ay kaagad siyang nagpalit ng damit. Bumaba siya para mag-almusal. Habang kumakain siya ay muli niyang naisip si Mike. Tiningnan niya ang kanyang relo. Nangiti siya sa paniniwalang ano mang oras sa araw na iyon ay maririnig niya ang pagdating ng sasakyan nito para dalawin siya. Napalanghap siya ng hangin. Parang kay gaan ng pakiramdam niya. Ngayon lang niya naranasang maghintay para sa pagdating ng isang lalaki. Naiiling siya sa mga pagbabago sa kanyang sarili, sa kanyang damdamin. Gustong-gusto na niya ito, siguradong-sigurado na siya. Kaya muli siyang nagpatuloy sa pagkain. Natatawa siya sa sarili niya dahil pakiramdam niya'y parang napaksarap ng kinakain niya gayong parati na naman niyang nakakain ang mga ito sa araw-araw. Naisip niya bigla kong ano ang inaalmusal ngayon nito. Naisip rin niyang marahil ay nagmamadali itong makatapos sa pagkain para makapunta at madalaw na siya. Malamang nagpapaguapo iyon ng husto para sa muling pagkikita nila. Nangiti siya sa naisip niya. Ilang sandali pa'y natapos na siyang mag-almusal. Tumuloy siya sa kanilang sala at naupo. Kinuha niya ang remote at pinatugtog ang kanilang Stereo. Maganda ang mga pinatugtog ng disc jockey kaya natuwa siya. Puro love song ang mga ito. Naisip niya kung pareho kaya ang nagugustuhan nilang musika nito. Mahilig talaga siya sa love songs. Naaliw siya sa mga ito. Muli niyang tiningnan ang kanyang relo at muling hinintay ang pagdating nito sa kanilang bahay. Pagkalipas ng ilang sandali ng pakikinig ay pinatay na niya ito at binuksan na lang ang telebisyon. Nanuod siya ng paborito niyang palabas sa umaga. Pinanuod niya ang kanyang paboritong talk-show host. Tuwang-tuwa siya sa pinapanuod niya kaya hindi niya namamalayan ang mabilis na paglipas ng oras. Pagkatapos ng palabas ay muli siyang napatingin sa kanyang relo. Hininihintay pa rin niya ito. Subalit hindi pa rin ito dumarating. Nagpasya siyang lumabas ng bahay at doon na lang hintayin ang pagdating nito. Naupo siya sa gitna ng kanilang magandang hardin. Napakaraming mga mapupularang rosas sa loob nito. Napapalibutan ito ng iba't ibang uri ng mga magaganda at makukulay ring mga bulaklak. Siya na ang nagpatuloy sa pag-alaga nito simula ng pumanaw ang kanyang mahal na ina. Ito ang nagturo sa kanya kung paano ang tamang pag-aalaga sa mga ito. Pinapaala ng mga bulaklak na ito ang naging napakasayang kabataan niya sa piling ng kanyang ina at ama. Tumayo siya sa gitna at lumanghap ng hangin. Ipininkit niya ang kanyang mga mata at umikot ng dahan-dahan. Napakaganda niyang pagmasdan sa ginagawa niya habang marahang gumagalaw ang malambot niyang buhok niya sa ihip ng hangin. Muli siyang naupo at hinintay ang pagdating ni Mike. May mga ilang ibon ding dumapo ng malapit sa kanya. Pinagmasdan niya ang mga ito. Kaygaganda ng mga ito. Parati iyong nagpupunta sa bakuran nila dahil iniiwanan nila ito ng makakain. Mahilig rin kasi siya sa mga ibon pero mas gusto niyang pagmasdan ang mga itong lumipad ng mataas kaysa sa nakakulong sa isang hawla. Araw-araw kung bumisita ang mga iyon sa kanilang bakuran. At parating umaalis ang mga iyon na masasaya ang mga huni na tila nagpapasalamat sa kabutihang loob ng may-ari ng magandang bahay. Muli niyang tiningnan ang kanyang relo. Napatingin siya sa may gate. Subalit wala pa ring Mike na dumating. Naghintay pa siya nang naghintay. Tanghali na pero hindi pa rin ito dumarating. Nagsimula na siyang malungkot. Hindi na siya sigurado kung darating pa ito. Napahinga siya ng malalim at muling napatingin sa kanyang relo. Nagsimula na rin siyang muling magutom kaya pumasok siyang muli sa kanilang bahay para mananghalian. Kumain siya. Natapos na siyang mananghalian ay hindi pa rin ito dumarating. Naupo siyang muli sa kanilang sofa. Hindi na siya nagpatugtog ng stereo o nanuod ng telebisyon. Hinintay lang niya ng hinintay ang pagdating nito. Buong hapon niya itong hinintay subalit wala pa ring Mike na dumating. Malakas na napabuga siya ng hangin sa pagkainip sa paghihintay rito. Sa araw na iyon ay hindi ito dumating, hindi ito dumalaw gaya ng naipangako nito. Nalungkot siya ng husto kaya muli siyang pumanhik sa kaniyang kwarto. Nahiga siyang muli. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Muli siyang nagising sa sumunod na araw sa tunog ng papaalis na sasakyan ng kanyang ama. Matapos niyang maligo ay bumaba siyang muli para mag-almusal. Sa kanilang sofa ay muli siyang umasa na baka sa araw na iyon ay magpakita na ito para dalawin siya. Subalit lumipas ang tanghali ay hindi pa rin ito dumarating. Muli siyang naghintay kinagabihan subalit wala pa ring Mike na dumating. Muli siyang pumasok sa kanyang silid at nahiga. May mga luhang namuo sa kanyang mga mata. Naramdaman niya ang dahan-dahang pagpatak ng mga iyon sa kanyang mga pisngi. Ang hindi pagsipot nito ay nagbigay sa kanya ng malabis na kalungkutan. Napahikbi siya. Nagsimula siyang magduda na baka nagbago na ang damdamin nito para sa kanya. Na baka may iba na itong babaeng napupusuan. Baka nakakita ito ng higit pa sa kanya. Muli siyang napahikbi. Ilang sandali pa'y nakatulog na uli siya. Sa sumunod na mga araw ay muli niya itong hinintay at nagbakasakaling dumating na ito. Subalit wala pa ring Mike na dumating. Bigo na naman siya. Lumipas pa ang ilang mga araw, ang ilang linggo, ang isang buwan subalit hindi pa rin ito nagpapakita sa kanya. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa. Nasayang lang ang paghihintay niya rito, pakiramdam niya. Sumuko na siya ng tuluyan at dahan-dahang tinanggap na hindi na ito sisipot pa kahit na keylan.
      
                                                                                  Chapter 6

       MATAPOS makapag-alam ng kanyang ama ay nagpasyang umalis ng bahay ni Margaret. Kaagad siyang nagbihis ng magandang damit. Taas noong naglakad pababa na buo na ang loob na tuluyan ng kalimutan ang lalaking nangakong dadalaw sa kanya. Kapag naiisip niya ito ay napapsimangot na ito. Nakakaramdam na siya ng pagkainis rito. Sinusian niya ang kanilang pintuan bago tuluyang naglakad sa kahabaan ng kanilang bakuran. Pagkarating niya sa kanilang asul na gate ay kaagad niya itong binuksan. Tumambad sa harap niya si Mike. Nakangiti ito sa kanya. Pinagmasdan niya ito sandali. Sinimangutan niya kaagad ito at mabilis na naglakad sa kahabaan ng kalsada. Hinabol naman kaagad siya nito at tinangkang kausapin subalit hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad, ni hindi man lang niya ito sinulyapan.
       "Margaret, ano bang kasalanan ko sa iyo ha?" nakangiting tanong nito sa kanya. Nanlaki bigla mga mata niya sa narinig rito. Hinarap niya ito, magsasalita sana siya pero nagdesisyon siyang huwag na at muling naglakad papalayo rito. Hinabol naman siyang muli nito. "Margaret ano ba kasing kasalanan ko ha?" nakangising tanong nito sa kanya. Napailing na lang siya, hindi siya makapaniwala sa tanong nito. Napabuga siya ng hangin sa malabis na pagkainis. Umulit na naman ito. "Margaret, ano bang kasalanan ko sa iyo ha?" lalo pang nakangising tanong nito sa kanya. Bumuga siya bigla ng hangin nang napakalakas. Ngumisi pa ito ng lalo sa inasal niya pagkatapos ay muling nagsalita. "Na miss mo ako ano?" Tiningnan siya nito sa mata na tila naghihintay kung ano ang isasagot niya. Tinalikuran niya ito at matuling lumakad papalayo rito. Ngunit naging maagap ito. Hinawakan nito bigla ang kanyang kanang braso at nagsalita. "Ako na-miss kita, na-miss kita ng husto kasi mahal na kita." Natigilan siya bigla sa narinig niya. Nagpatuloy ito. "Humaharap ako sa iyo ngayon bilang isang lalaking tunay at malabis na umiibig sa iyo Margaret. Mahal kita, mahal na mahal. :Lumibot agad ito sa harapan niya. Naging seryoso bigla ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatitig sa kanya. "Ako na miss mo ba ako, ha Margaret?"
       Sandali niyang pinagmasdan ang seryosong-seryosong mukha nito bago sumagot. "Oo na namiss din kita."
       "Mahal mo na rin ako?" mabilis na tanong nito sa kanya.
       "Oo mahal na rin kita..." marahang sagot niya rito. Pagkatapos ay bahagyang umiwas siya ng tingin rito.
       Natutuwa sa sinabi niyang napatitig ito sa kanya. "Sabi ko nga ba mamahalin mo rin ako eh."  Mas lumapit pa ito sa kanya. Halos magkadikit na sila. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Napatitig siya sa maamong mukha nito. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pinagmasdan ng buong kagalakan ang maganda niyang mukha. Pagkatapos ay agad siya nitong niyakap nang mahigpit na mahigpit. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Nararamdaman niya ang malabis na kaligyahan nito sa kanilang muling pagkikita. Kaligayahang nagdulot rin sa kanya ng kasiyahan at kaligayahan. Kumalas bigla ito at muling pinagmasdan ang kaakit-akit niyang mukha. Huminga muli ito ng malalim at muling nagpahayag sa harap niya. "Mahal na mahal kita Margaret. Sa wakas ay kasintahan na kita."
       Napangiti siyang bigla nang marinig ang katagang kasintahan. Gumaan at namula ang mukha niya. "Oo nga ano, kasintahan mo na ako..."
       "Oo kasintahan na kita Margaret," masayang-masayang tugon nito. Kitang-kita sa mukha nito ang nag-uumapaw na kaligayahang nadarama nito. Nakangiting nag-unat-unat sandali ito tapos ay dahan-dahang bumaba ang isang braso at umakbay sa kanya. Pagkatapos ay marahan siya nitong tinanong. "Saan ka ba papunta ha at mukhang nagmamadali ka kanina."
      "Hindi ako sigurado, basta ang gusto ko lang abalahin ang sarili ko," sagot lang niya.
      "Ha wala ka naman palang malinaw na pupuntahan eh," sabi lang nito. "Huwag ka na lang umalis diyan na lang tayo sa bahay niyo. Di ba may maliit kayong swimmng pool, swimming na lang tayo..." alok nito sa kanya.
      Tumango naman agad ito. Kumalas ito a pag-akbay sa kanya at mabilis na hinawakan ang isa niyang kamay. Magkahawak-kamay silang naglakad pabalik ng bahay niya. Poro mga matatamis na ngiti ang makikita sa mga mukha nila. "Ang saya-saya ko Margaret, napakasaya kong makita kang muli." Tumingala lang siya at nakita niya ang isang napakaligayang lalaki sa tabi niya. Pagkalapit nila sa nakagaraheng sasakyan nito sa labas malapit sa gate ay kaagad nitong binuksan ang pintuan nito sa harapan. "Sumakay ka Margaret, dito ka sa may driver's seat," nakangiting utos nito sa kanya. Nagtaka siya bigla sa sinabi nito. Pero sumunod pa rin siya at umupo sa harapan. Habang hawak-hawak niya ang manebela ay sinulyapan niya ito sa labas ng pintuan. Ngumiti lang ito sa kanya. Pagkatapos ay biglang lumakad ng mabilis papuntang gate ng bahay niya. Binuksan niya kaagad ito ng maluwag na maluwag. Nakangising bumalik kaagad ito sa tabi niya. "Itutulak ko ang sasakyan, ikaw nang bahala sa manebela." Hindi pa siya nakakapagsalita ay mabilis na itong lumibot sa likuran ng sasakyan nito at ubod lakas na nagsimulang itulak ang magarang sasakyan nito. Gumalaw agad ito. "O ano mahal, ayos ba diyan." Nangingiting napailing na lang siya sa ginagawa nito. Kinabig niya ang manebela para makadaan ang sasakyan papasok ng gate. Tinulak pa nito nang tinulak ang sasakyan. Umusad ito ng umusad sa kahabaaan ng kanilang lupain sa loob ng kanilang bakuran. Ilang sandali pa'y narating na nila ang harapan ng kanyang bahay. Tumigil naman agad ito sa pagtulak. Pagkatapos ay kaagad na muling lumibot para alalayan siya sa pagbaba. "O ayan mahal, amanos na tayo."
       Sumagot naman agad siyang nakatingala rito ng tuluyan ng makalabas ng sasakyan. "O sigi na nga amanos na tayo." Pagkatapos ay tumawa nang marahan ng maalala ang sariling nagtutulak ang sasakyan nito ng una silang magkita.
       "Ang Daddy mo andito ba ha?" tanong agad nito sa kanya.
       "Wala naunang umalis kaninang umaga," sagot naman niya.
       Kumislap kaagad ang mga mata nito. "Talaga, mabuti kung ganon." Pagkatapos ay mabilis siyang hinila nito papunta sa kanilang maliit na swimming pool sa gilid ng kanilang magarang bahay. Sumunod lang siya at pinagmasdan ang masayang-masayang mukha nito. Pagkarating nila ay kaagad silang tumayong magkaharap sa gilid ng swimming pool. "Mag-swimming tayo mahal," anyaya agad nito sa kanya.
       Pinasadahan kaagad niya ito ng tingin. "Wala ka namang dalang pang-swimming a," banggit niya. Walang kaabog-abog ay nagtanggal kaagad ito ng polo pagkatapos ay sinimulang hubarin ang sapatos nito. Napatitig siya bigla sa makisig na katawan nito habang patuloy na nagtatanggal ng sapatos. Napansin siya nito kaya agad siyang tinapunan ng nagyayabang na ngiti nito. Kinakabahan siya baka kung ano pa ang isunod na hubarin nito sa harapan niya. Bumilis nang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Napahinga siya nang maluwag nang bigla itong tumalon papasok sa loob ng swimming pool na nakapantalon. Nakangiting humarap agad ito sa kanya mula roon. "Halika na, ano pang hinihintay mo riyan?" utos agad nito sa kanya habang inaayos ang bahagyang nagulong basang buhok nito. Napatitig lang siya rito na nakatayo. "Ano na halika na!" muling utos nito.
        "Sandali lang, papasok muna ako ng bahay at magpapalit ako ng shorts," pagpapaalam nito sa kanya. Umalis naman agad ito at pumasok sa loob ng bahay. Lumangoy langoy ito sandali pagkatapos ay muling pinagmasdan ang buong kapaligiran ng bahay nila. Napaisip ito bigla. Nanghinayang ng kunti na sana kung pumayag siyang makipagkita noon sa kanya ay matagal na silang nagkakilala at nagkasama. Napatigil siya sa pag-iisip ng maramdamang paparating na siya mula sa likuran nito. Lumingon siya mula sa swimming pool. Nanlaki kaagad ang mga mata nito nang makita ang mapuputi at makikinis na hita niya. Hindi nito mapigilang mapangiti sa malabis na kagandahan niya. Hindi naman niya mapigilang mapangisi sa ekspresyon ng mukha nito habang papalapit siya rito dala-dala ang isang tray na may mga sandwich at dalawang baso ng juice. Pagkalapit ay kaagad niya itong inilagay sa gilid ng pool. Lumangoy naman kaagad ito papalapit sa kanya at umahon. Umupo siya sa gilid ng pool. Tumabi naman ito sa pagkakaupo sa kanya.
        "Uminom ka na muna ng juice Mike," hawak-hawak ang basong alok niya rito habang magkaparehong nakalubog ang mga binti sa tubig.
        Kinuha naman kaagad nito ang basong may lamang juice. Ininom nito agad ang lahat ng laman pagkatapos ay inilagay nito ang baso sa gilid nito. "Miss na miss talaga kita Margaret."
        "Na miss rin naman kita eh," bahagyang nakangiting sagot niya.
        "Nagtampo ka ba sa akin nang hindi ako dumalaw sa iyo ha?" marahang tanong nito na nakatingin sa mukha niya.
        Sumulyap muna siya rito bago sumagot. "Oo, nagtampo ako sa iyo."
        "Gusto mo bang malaman kung bakit hindi kaagad ako nagpakita sa iyo ha Margaret?" muli nitong tanong.
        "Oo, bakit... nga ba..."
        Hinawakan muna nito ang isang palad niya. Pinisil nito iyon nang marahan bago muling binitawan. "Sa tingin mo ba matitiis kong hindi magpakita sa iyo ng walang dahilan," umpisa nito.
         Sumulyap muna siya sandali sa mukha nito. "Ano ba kasi iyon ha?" tanong naman niya rito.
         "Ganito kasi iyon, kinailangan ko lang talagang lumipad papuntang Cebu. May negosyo rin kasi kami roon. At medyo nahihirapan dahil sa malakas na kakompetensya namin. At nang mag-imbestiga ako, nalaman kong tinatalo nila kami dahil nagsilipatan sa kanila ang mga tauhan namin. Napag-alaman ko na hindi maayos ang pagtrato sa mga empleyado namin doon ng aming bagong General Manager. Tapos hindi pa niya pinapasahod ang mga ito ng sapat at sa tamang oras. Pagdating ko nga roon kakaunti na lang ang mga empleyadong inabutan ko sa opisina. Nagpapa-advertise naman sila sa mga newspapers para sa mga papalit sana sa nagsilipatan. Kaya lang mukhang wala rin masyadong nag-apply kasi kumalat na roon ang masamang reputasyon ng kompanya namin dahil sa Manager na iyon. Ayon palagi raw tigil trabaho dahil kulang nga sa mga tauhan. Kaya ang ginawa ko kinausap ko sila ng maayos at humingi ng paumanhin. Nangako akong ibabalik lahat ng mga benepesyong dati na naman nilang natatanggap mula pa noon. At nang ipinaalam ko sa kanila na sinibak ko na ang abusadong General Manager na iyon. Ayon mabilis pa sa alas kwatro nagsibalikan kaagad sa amin. Kaya ngayon ang kakompetensya naman namin ang nahihirapan ngayon. Isang linggo lang matapos bumalik lahat ng mga trabahador namin ay nakabawi na agad kami. At lalo pang lumakas ito kaysa sa dati. Nagustuhan din kasi nila ang napili kong bagong tagapamahala roon. At nang masigurado ko na ngang maayos na ang lahat ayon nagmadali kaagad akong bumalik rito. Kadarating ko nga lang kagabi eh. Tapos kanina pagkagising ko nagmadali kaagad akong magpunta rito para makita ka, miss na miss na kasi talaga kita," mahabang paliwanag nito sa kanya. Sinulyapan naman agad siya nito para malaman kong ano ang reaksyon nito.
        "Talaga bang na-miss mo ako ha?" tanong lang uli niya matapos makinig rito.
        "Oo naman," sagot naman agad nito. "Hindi ko ba naman mami-miss iyang magandang mukhang iyan. Eh ikaw gaano mo ba ako na-miss ha?"
        Umiling lang siya na nag-aalangan kong  magtatapat rito. Pero tumuloy pa rin siya. "Araw-araw kaya kitang hinintay na dumalaw dito."
        "Talaga," nasabi agad nito.
        "Sa lahat na yata ng bahagi ng bahay namin ay hinintay na kita. Sa sala, sa hardin, sa kwarto ko, maging dito sa pool hinintay din kita."
        Tumawa naman ito ng marahan sa narinig sa kanya. "Mahal mo na nga talaga ako. Pero kung ikaw naghintay ako naman hinanap-hanap kita. Oo nagawa ko nga nang maayos ang ipinunta ko roon sa Cebu. Pero maraming beses din kaya akong nahuhuling nakatunganga at nakatulala roon sa kalagitnaan ng ng mga meeting namin. Kahit kasi anong gawin  kong pagpo-focus sa trabaho ay parati ka pa ring sumasagi sa isipan ko. Kaya ayon, minsan tuloy binato ako ng papel na ginawang bola ng sekretarya ko roon para magising daw ako. Malakas kasi ang loob noon na sawayin ako sa harap ng maraming mga tao kasi matagal na sa amin iyon saka close talaga sa pamilya namin iyon. Pinagtatawanan nga ako ng mga dumalo sa meeting namin eh. Sino ba raw ang babaeng iyan at nagkakaganyan ang Boss nila. Gustong-gusto ka nga nilang makilala roon eh. Kaya pag-nagkaroon tayo ng pagkakataon ay isasama kita roon para maipakilala kita sa kanila, lalo na ngayong kasintahan na talaga kita."
        "Ikaw ang bahala kong iyon ang gusto mo," sagot naman niya.
        "Aasahan ko iyan ha, sasama ka sa akin pag nagpunta akong muli sa Cebu ha," masayang nabi nito. Pagkatapos ay kaagad na umiba ng pwesto. Pabirong tinitigan siya nito. At nang maunawaang gusto siyang kargahin nito ay kaagad na tumatawang umiling. Pero hindi naman ito nagpapigil, kaagad siya nitong kinarga sa mga bisig niya at agad tumayo sa gilid ng pool. Pagkatapos ay bumuwelo para tumalon papasok sa swimming pool. Naramdaman na lang niya ang malakas na pagbagsak nila sa tubig. Nang binitiwan na siya nito ay lumangoy silang magkaharap. Pinagmamasdan ang mukha ng isa't isa. Nakikita niyang masayang masaya itong kasama siya. Siya rin ay masayang-masaya dahil kasama na niya ito. "Mabilis ka bang lumangoy Margaret ha?" tanong agad nito.
        Tumango naman agad siya. "Mabilis din bakit?" ngitingiting tanong rin niya.
        "Karera tayo," hamon agad nito. "Pag natalo ka, hahalikan kita."
        "Eh kung ikaw ang matalo," tanong agad niya.
        "Eh di iki-kiss mo ako, panalo ka eh," ngisi-ngising sagot nito. At bago pa ito makasagot ay kaagad itong sumigaw ng "Go!" Kaya sumabay na lang siya sa paglangoy rito. Nagkarera silang dalawa sa kahabaan ng pool. Mabilis na mabilis na lumangoy ito. At mabilis na mabilis rin siyang lumangoy. Maraming tubig ang tumilamsik sa kung saan-saang dako ng pool dahil sa sobrang lakas ng pagpadyak nilang pareho sa tubig. Binilisan pa nila ng binilisan ang paglangoy. At sa ilang saglit natapos ang karera nila sa loob ng swimming pool. Tabla ang dalawa. Hinahabol ang mga hiningang nagkatinginan ang dalawa sa kabilang dulo ng pool. Lumapit naman kaagad ito sa kanya at nangusap. "Tabla mahal paano ngayon ha..." ngiti-ngiting tanong nito sa kanya.
        "Oo nga ano tabla tayo," nakangiting pagsang-ayon niya.
        Kumislap naman kaagad ang mga mata nito. "Tabla tayo, pareho tayo panalo. Kaya pareho nating iki-kiss ang isa't isa."
        "Ano," nasabi lang nito. "Ikaw ang wais mo talaga."
        Pagkatapos ay kaagad itong mas lumapit pa sa kanya sa tubig. Napansin kaagad niyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Ang kaninang mukhang nakikipaglaro lang ay biglang sumeryoso ang mukha. Lumapit pa ito ng lumapit pa sa kanya. Halos magkadikit na ang kanilang mga mukha sa sobrang lapit nito sa kanya. Kinabahan siya ng husto. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Kinakabahan siya pero gusto-gusto naman niya ang pagkakalapit nito sa kanya. Ilang sandali lang ay naramdaman nitong niyakap nito ang beywang niya. Tinitigan siya nito sa mga mata. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Mabilisang hinalikan siya nito. Pagkahalik na pagkahalik nito ay kaagad ding tumigil. Pagmulat niya ay nakita niyang nakangiti ito sa kanya. Nginitian siya ng nginitian nito. Kinikilig siya. Pagkatapos ay walang sali-salitang muling hinawakan nito ang isang palad niya at inakay palangoy patungo sa gilid ng pool. Umahon kaagad ito at hinatak siyang paakyat. Umupo ito sa gilid ng pool. Umupo naman siya sa tabi nito. Pagkatapos ay muli nitong hinawakan ang isang palad niya. Mababanaag sa mga mata nito ang malabis na kasiyahan na nahalikan na nito ang ang kasintahan. Nakangiting nakatingin sa harapan ito. Na para bang siya na ang may-ari ng mundo. Napakasaya nito sa piling ng mahal nito. Muli siya nitong inakbayan at bahagyang inihilig ang ulo niya sa balikat nito. "Napakasaya ko ngayon Margaret..." Mula sa pagkakahilig rito ay sinulyapan niya ang mukha nito. Napagtanto niyang mahal na mahal siya nito. At ang katiyakang iyon ay nagbigay ng kapanatagan at kaligayahan sa puso niya. Naramdaman niyang hinalikan nito ang buhok niya pagkatapos ay hinaplos iyon nga marahan. "Mahal na mahal kita Margaret."
         "Mahal din kita Mike..." sagot naman niya sa pagkakahilig niya sa balikat nito. Nanatili silang magkatabi sa gilid ng pool. Kapwa masaya sa katotohanang sila'y magkasintahan na at tunay na nagmamahalan. Pakiramdam nito ay nakabawi na ito sa matagal na hindi nila pagkikita.
         Umayos na siya ng pagkakaupo sa tabi nito. Tinanggal na niya ang ulo sa pagkakahilig sa balikat nito. Pinagmasdan nitong muli ang maganda at maamong mukha niya. "Papaano Margaret, eh di itutuloy ko na ang sinabi ko sa iyo na araw-araw na akong makikipagkita sa iyo..." pagpapaalala nito sa kanya.
         "Araw-araw, hindi ka kaya magsawa na sa akin niya ha?" tanong agad niya.
         Napatinging bigla ito sa kanya. "Bakit naman kita pagsasawaan, hindi ka naman ulam." Pagkatapos ay kaagad na ngumisi. "Ang ulam pwede kong pagsawaan, pero ikaw Margaret, imposibli!"
         "Ikaw talaga," naiiling na sabi lang niya. Nanahimik siya sandali bago muling nagsalita nang marahan. "Mahal mo ba talaga ako, hanggang kailan mo ba ako mamahalin baka mamaya makalipas lang ang ilang araw ay maisip mong hindi mo na ako mahal."
         Ngumiti lang ito bago muling nangusap. "Maniwala ka Margaret, hangga't guapong-guapo ako patuloy kitang amamahalin."
         "Ano," biglang sabi niya na napatingin dito.
         Sumagot naman agad ito. "Mahal maski tumanda pa ako sigurado akong mananatili pa rin ang kaguapohan ko. Kaya Margaret sinisigurado kong mamahalin kita habang-buhay." Sumulyap naman agad ito sa kanya. "Ano, ayos ba," sabi nito na kaagad ngumisi.
        Nangingiting napailing na lang siya sa sagot nito sa kanya.
        "Asan na ba iyong sandwich kanina?" tanong agad nito.
        Kinuha naman agad niya ito sa tabi niya at iniabot rito. Binuksan kaagad nito at mabilis na kinain ito. "Gustong-gusto ko talaga pag ganitong inaalagaan at inaasikaso mo ako mahal ko."
        Kinain na rin ni Margaret ang isa pang sandwich at nang matapos na silang pareho ay muli silang uminom ng juice. Tumayo naman kaagad ito at inakay siya papasok ng bahay nila. Kinakabahan siya nang bahagya at baka kung ano na naman ang binabalak nitong gawin sa loob ng kanilang bahay. Kaya mabilis niyang kinuha ang isang photo album sa ilalim ng mesa sa harap ng sofa nila sa sala. Pinaupo niya kaagad ito at pagkatapos ay tumabi naman siya. Ipinakita niya ang isang larawan rito. Pinagmasdan nito ang maraming mga larawan ni Margaret mula pa noong siya'y bata pa. Gandang-ganda ito sa kanya. Pero may isang letratong kumuha ng atensyon niya. Itinuro agad nito ito. "Ako ito a?" sabi kaagad nito.
       Tiningnan kaagad niya ang itinuturong letrato nito. "Ha ikaw ba iyan. Nagkasama na pala tayo noong two years old lang ako."
       "Sa tingin ko five years old ako nito. Twenty-three ako ngayon, di ba ikaw twenty ka na..."
       "Ikaw pala ang cute na cute na batang lalakeng ito na hawak-hawak ang kamay ko," nakangiting sabi niya.
       Napatingin ito bigla sa kanya at ngumisi. "Parang ikaw naman yata ang nakahawak sa kamay ko mahal," sabi agad nito.
       Tiningnan naman agad niya ito nang mas maaayos. Napagtanto niyang siya nga ang nakahawak sa kamay nito. Namula kaagad ang mukha niya. Natawa naman ito sa kanya, kaya pinisil nito nang bahagya ang isang pisngi niya. Gumanti naman kaagad ito at kinurot ito nang bahagya sa tagiliran nito. Napaigtad at ngumisi lang ito. "Aray ko... ang sarap naman, ulitin mo nga."
       Pagkatapos ay muli pa silang tumingin nang tumingin ng iba pang mga letrato ni Margaret. Lahat ng mga letrato niya ay poro magaganda ang kuha. Kaya hindi mapigilan nito na lalo pang mapahanga sa kagandahan nito. Ilang sandali lang ay naramdaman nilang may gumaraheng bagong sasakyan. Pinaupo kaagad niya ito nang maayos. Dumating na ang Daddy niya. Pagkapasok ay nakita agad nito ang dalawa. Tinitigan nito sandali si Mike. Bumati naman agad si Mike. "Magandang umaga po sir." Lumapit lang ito sa kanilang dalawa sa sala.
      "Kanina ka pa ba rito ha?" tanong agad nito kay Mike.
      "Opo, kanina pa po," sagot agad niya. "Katatapos lang naming mag-swimming kanina ni Margaret."
      Tiningnan nito si Mike. "Gusto mo bang uminom ng alak Mike?" tanong nito. "Samahan mo akong uminom."
       Ngumiti lang ito. "Pasensya na sir, pero hindi po kasi ako umiinom saka naninigarilyo eh..." sagot naman agad nito.
      Ngumiti lang din ito. "Ah... ikaw siguro iyong sinasabing, hindi umiinom, hindi rin naninigarilyo, babae lang talaga ang bisyo..."
      Ngumiti lang din ito sa narinig rito. "Dati... siguro, pero ngayon isang babae na lang talaga, at si Margaret iyon," sagot agad nito saka sumulyap kay Margaret sa tabi niya. Napangiti naman agad siya sa sinabi nito sa ama niya.
      Napansin agad nito ang magaang pagngiti ng anak sa bisita. Dumerecho kaagad ito. "Mukhang nagkakaigihan na kayong dalawa. Papano magpapakasal na ba kayong dalawa ha?"
     Sasagot sana si Mike subalit kaagad niya itong sinaway ng tingin. Sumulyap siya sa Daddy niya. "Daddy, wala pa ho sa plano namin ang magpakasal. Nag-uumpisa pa lang ho kami. Kinikilala pa naming mabuti ang mga sarili namin," paliwanag niya rito.
     Halinhinang pinagmasdan nito ang dalawa. "Alam mo anak may tiwala naman ako rito kay Mike. Maganda ka, guapo naman 'to. Bagay na bagay kayong dalawa. Saka may kaya ang pamilya nila. Tiyak kong mabibigyan ka nito nang magandang kinabukasan."
     Sasagot na naman sana si Mike. Subalit sinaway na naman niya ito ng tingin. Kaya hindi na ito tumuloy magsalita pa. Napansin nito ang pagsaway ng anak nito
kay Mike. Nagpatuloy itong magsalita. "Alam mo iho, dapat kung may gusto kang sabihin o mangyari magsabi ka agad. Ang totoo may napili na akong mapangasawa nitong anak ko. Napili naming mag-asawa noon ang anak na lalake ng kumpare ko. Ang kaso ang sabi ng kumpare ko parati raw itong tumatanggi at minsan pa nga'y nilalansi siya at tinatakasan. Kaya kung talagang may gusto ka o mahal mo itong anak ko aba bilisan mo na. Dahil nakatitiyak akong pag nakita niyon ang anak ko tiyak magbabago ang isip noon. Pakakasal agad iyon."
     Sasagot na naman uli ito subalit pinigilan na naman uli ito ng tingin ni Margaret. "Daddy naman, nakakahiya na rito kay Mike. Hayaan niyo na munang magkasama pa kami ng mas matagal bago namin pag-isipan man lang ang mga bagay na iyan."
     Umiling lang ito saka muling halinhinang sinulyapan ang dalawa. Sumeryoso pa ito nang bahagya. "Anak, alam mo namang may sakit ako. Maari akong mawala ano mang oras. Ang gusto ko sana may mapag-iwanan ako sa iyong pinagkakatiwalaan ko bago ako mawala..."
     "Basta Daddy bibigyan pa namin ng sapat na panahon ang isa't isa saka hindi pa ho kayo mawawala. Mahal na mahal ko po kayo, aalagaan ko po kayong mabuti..." paniniguro niya rito.
      Tumayo na lang ito bigla. "Basta pag-isipan niyo iyong sinasabi ko," madiin nitong mga salita sa kanilang dalawa bago nagpatuloy at umakyat sa may hagdanan papuntang kwarto nito.
      Naiwang muli ang dalawa sa may sala. Muling nagsalita si Mike. "Daddy mo talaga oo, eh ako lang naman iyong tinutukoy niyang panay ang takas sa Daddy."
Lumapit pa ito nang bahagya sa pagkakaupo sa tabi niya. "Kung aminin na lang kaya natin na pareho na nating alam na tayong dalawa ang pinagkasundo nila ha..." suhestyon nito sa kanya.
       Tumanggi siya kaagad. "Huwag na muna, baka mamaya lalo pa tayong madaliin ng mga iyon na magpakasal na kaagad."
       Napatingin kaagad ito sa kanya. "Hindi mo pa talaga gusto ang mga bagay na iyan ano," sabi lang nito sa kanya. Hinintay naman nito ang sagot niya.
       "Bakit ikaw gusto mo na ba ha?" tanong naman niya.
       "Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko, basta ang sigurado ako mahal kita at ayokong mawala ka sa akin," seryosong sagot nito sa kanya.
       "Ganoon din naman ako sa iyo eh," pag-amin niya rito. Lumiwanag naman bahagya ang mukha nito sa sinabi niya.
       "Halika mag-swimming uli tayo," yaya muli nito sa kanya. Pumayag naman kaagad siya. Naglakad kaagad sila palabas ng bahay at nang makita na nilang muli ang pool ay kaagad na hinawakan nito ang kamay niya at tumakbo ng mabilis papalapit dito. Agad naman silang tumalon sa tubig. Lumangoy sila ng lumangoy na magkahawak ang mga kamay. Kapag nakakaramdam ng kunting pagod sa paglangoy ay tumitigil sila at nakangiting pinagmamasdan ang kani-kanilang mga mukha. Hindi maitatangging gustong-gusto nila ang isa't isa. Pagkatapos ay muli silang lumangoy. Paminsan-minsan ay bigla na lang nito siyang hinihila sa may  beywang at aakmang hahalik sa labi. Nakikiliting umiiwas naman siya. Kaya ang ginagawa na lang nito ay hinahalikan siya sa buhok niya at marahang yumayakap sa kanya. Pagkatapos ay muling magpapatuloy sa paglangoy malapit sa isa't isa. Ilang sandali pa'y nagpaalam na ito sa kanya. Tumingin naman siya sandali sa mukha nito. Kaya nangako kaagad itong makikipagkitang muli sa kanya sa susunod na araw. Pangakong nagpangiti sa kanya na nagpangiti rin rito.

                                                                                       Chapter 7

         SA LOOB ng isang buwan ay panay ang pagkikita at pagtatagpo ng dalawa at bawat pagkikita nila ay nagbibigay sa kanila ng nag-uumapaw na kaligayahan. Habang tumatagal ang kanilang samahan ay mas nagugustuhan at mas minamahal pa nila ang isa't isa. Wala ng ibang babae para kay Mike kundi si Margaret at ganoon din ito sa kanya. Kagigising lang ni Mike at kaagad itong napangiti nang maalala ang napakasaya nilang pamamasyal ni Margaret sa may laot gamit ang kanyang yate. Nagpasya kaagad itong maligo sa kanyang shower sa loob ng kanyang kwarto. Sa kinalakhang bahay niya siya natulog ng gabing iyon. Pagkatapos niyang makapagbihis ay kaagad siyang bumaba para umalis. Nasa may sala na siya at lalabas na sana ng bahay ng maramdaman niya ang kanyang ama sa balkonahe sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Hindi pa siya tinatawag nito ay kaagad na siyang tumalikod para batiin sana ito.
        "Mike dito ka pala natulog kagabi," sabi nito sa kanya.
        "Opo Dad," sagot lang niya.
        "Mabuti naman," sabi lang din nito mula sa kinatatayuan nito. "Huwag ka na munang pumasok ngayon sa trabaho mo."
        "Bakit ho Dad?" nakatingalang tanong niya sa kinatatayuan nito.
        "Palagi mo na lang akong nilalansi at tinatakasan subalit sa araw na ito inuutusan kitang makipagkita sa napili namin ng Mommy mo noon na mapangasawa mo," utos nito sa kanya.
        Nangingiting napakamot lang siya sa ulo niya. "Daddy naman may iba na po akong minamahal . Kaya mas lalong hindi niyo na ako mapapasunod sa kagustuhan mong iyan," sagot lang agad niya.
        Sumagot naman agad ito mula sa balkonahe sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. "Makinig ka," utos nito. "Kapag hindi ka pa sumunod sa akin ngayon, maghanda ka nang gumapang sa lusak. Maghanda ka nang mamuhay bilang isang mahirap na tao."
       Napakunot naman kaagad ang nuo niya sa narinig dito.
       "Kapag hindi ka pa sumunod ngayon, itatakwil kita bilang aking anak at tatanggalan kita ng mana!" umalingawngaw ang napakalakas na pagbabanta nito sa kanya sa buong kabahayan.
       Nagulat na napaatras siya sa kanyang kinatatayuan. Tinitigan niya ng mariin ang kanyang ama. Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Talaga gagapang ako sa luksak at tatanggalan mo ako ng mana Dad?"
       "Oo tatangalan kita ng mana!" muli nitong banggit.
       "Talaga?"
       Malakas at galit na sumagot ito."Talagang-talaga! Oo!"
       "Tsk... tsk.. tsk..." iiling-iling na banggit niya. "Papano niyo naman ako tatangalan ng mana ha?"
       "Ha anong ibig mong sabihin?" napabilis na tanong nito.
       "Dad naman nakalimutan mo na ba na matagal niyo nang inilipat sa pangalan ko ang lahat ng mga negosyo at ari-arian natin," sagot niya na kaagad ngumisi.
       "Ha! Oo nga pala ano," nasabing bigla ng Daddy niya ng maalaala ang ginawang paglipat ng lahat ng mga ito sa pangalan niya.
       "O Dad sigi magkita na lang uli tayo," paalam niya na kaagad tumalikod rito.
       Naghagilap naman kaagad ito ng masasabi nang makitang papalabas na ang anak. "Anak naman, hindi mo na ba mahal ang Daddy mo ha. Di ba't noong maliit ka'y palagi kang nakasunod sa akin. Kung nasaan ako, gusto mo andoon ka din."
       Ngumiti lang siya at muling tumalikod paharap sa kanya sa ikalawang palapag. "Mahal naman kita Dad siyempre," mapagmahal na sagot niya.
       "Kung ganoon anak pagbigyan mo na ako, makipagkita ka sa mapapangasawa mo. Kung hindi mo talaga magustuhan ay hindi na kita pipilitin pa, pangako."
       "Sinabi mo iyan Dad ha? O sigi makikipagkita ako riyan," nakangiting sagot niya. Daddy talaga para namang hindi ko alam kong sinong tinutukoy mo, ngingitingiting tahimik na bulong niya sa sarili. Bigla namang may kumatok sa eleganteng pintuan nila. Napansin niyang kaagad na napangiti ang Daddy niya nang marinig ito. Nagtaka siya sa naging reaksyon nito, kaya kaagad niyang linapitan ang pintuan para buksan ito. Tumambad kaagad sa harap niya ang isang di niya nakikilalang babae. Nagsalita kaagad ito. "Hi, I'm Clara,"
        Napalingon kaagad siya ng marinig na pangiting umubo ang Daddy niya. "O hija, mabuti't ikaw na ang nagkusang magpunta rito. Mabuti't nagkaharap na kayong dalawa sa wakas."
        Binigyan naman kaagad nito ang Daddy niya ng paggalang. "Magandang umaga po Dad."
        Nanlaki bigla ang mga mata niya sa narinig dito. Umalingawngaw sa utak niya ang pagtawag ng Dad sa Daddy niya. Napaatras siya sa pagkagulat.  
        Napansin ni Clara iyon. "Oh don't tell me nagulat ka sa kagandahan ko," sabi nito na titig na titig sa gulat na gulat na mukha niya.
        Bumuga kaagad siya ng hangin. Pagkatapos ay nangiti nang maalalang kailangan lang niyang pagbigyan sandali ang Daddy niya tapos ay pwede na niya itong maidispatsa sa buhay niya. Kaya ngumiti kaagad siya rito at binati ito. "Maligayang pagdating sa bahay namin binibini, este Clara."
        Namula naman kaagad ang mukha nito sa kaligayahan sa magandang pagbati niya rito.
        Sumingit naman kaagad ang Daddy niya mula sa kanina pang kinatatayuan nito. "O ayan anak, lumabas na kayo ng maipasyal mo naman ang maganda mong mapapangasawa." Ngumiti pa agad ito sa kanilang panauhin.
       Napansin niya iyon. Bigla niyang naalala na may lakad sila ni Margaret sa araw na iyon. "O sigi mamasyal tayong dalawa," sabi niya rito. "Maari bang mauna ka na muna sa sasakyan ko't may kakakusapin lang ako sandali sa cellphone ko," paumanhin niya.
       "Oo ba, basta bilisan mo ha," sagot lang agad nito sa kanya. Pagkaalis na pagkaalis nito sa harapan niya ay kaagad niyang tinawagan si Margaret. Nagulat agad siya nang sumagot ito sa cellphone nito. Bahagyang humahagulhol ito. Tinanong niya kaagad ito. "Margaret anong problema mo ha, ba't parang umiiyak ka ha?"
       Sa pagitan nang paghikbi ay nagtapat ito. "Mike nagkamali yata tayo, andito ngayon sa bahay namin a-ang.... ang lalaking ipinagkasundong mapangasawa ko... at nagyayang lumabas kami, pumayag na si Daddy...."
       "Ano..." nagulat na marahan na reaction niya. Huminga agad siya nang malalim. Dapat malaman rin nito ang pagdating ni Clara. "Margaret andito rin ngayon sa bahay namin ang babaeng gustong ipakasal sa akin ng Daddy ko."
      Napapahid bigla ng kanyang luha ito. "Ano andiyan rin ang mapapangasawa mo."
      Nag-isip siya  kaagad kung ano ang dapat nilang gawin. Hinding-hindi siya makakapayag na mapunta sa ibang lalaki ito. Mahal na mahal niya ito at kanyang-kanya lang si Margaret. "Sigi sabihin mong mauna na lang siya at magkita kayo sa restaurant na malapit sa sinihang pinanuuran natin noong isang linggo, naalala mo iyon?"
      Naalala naman nito ang nasabing lugar kaya ibinaba na nito ang cellphone niya at kaagad na kinausap ang bisita nito.
      Matapos ay kaagad naman siyang nagpaalam sa Daddy niya at dahan-dahang lumabas ng bahay nila papunta sa sasakyan niyang pinaghihintayan ni Clara. Nakita naman kaagad niya ito. Ngumiti pa kaagad ito sa kanya. Nginitian niya rin ito pabalik. Pagkatapos makapasok pareho sa sasakyan ay kaagad na itong nagmaneho sa napag-usapang lugar nila ni Margaret. Napapansin niyang panay ang pa-charming sa kanya nito sa tabi niya. Kinausap din siya nito ng kinausap. At sinikap naman niyang sagutin ito nang maayos. Matapos ang ilang sandaling pagmamaneho ay narating na nila ang malaking Mall. Bumaba kaagad silang dalawa at naglakad papasok. Nang nasa loob na sila ng Mall ay kaagad siyang tumungo sa restaurant na napag-usapan nila ni Margaret. Naunang makarating roon nina Margaret at ang kasama nito dahil mas malapit lang ito sa bahay nito. Nagkatinginan kaagad sina Margaret at Mike. Pagkatapos ay sabay na pinagmasdan ng isa't isa ang kasama ng bawat isa sa kanila. Nang makalapit na si Mike ng tuluyan sa kanila ay kaagad siyang nagsalita. "Margaret andito ka pala at may kasama ka pa." Napatingin naman kaagad ang kasama ni Margaret na si Luke sa kanya. Sumulyap naman ito kay Margaret na parang nagtatanong kong sino ang kumakausap rito. Hindi na siya naghintay pang sagutin siya ni Margaret kaagad na kaagad na lang itong umupo sa harapan nila sa misang napiling upuan nina Margaret. Umupo naman sa tabi niya si Clara. "O Margaret ito nga pala si Clara bago kong kakilala."
        "Mapapangasawa niya," mabilis at nakangiting pagtutuwid nito sa sinabi niya.
        Sumabat naman kaagad si Luke. "Ganoon ba, kung ganoon ay pareho pala tayong malapit nang magpakasal."
        Napatitig naman kaagad siya sa sinabi nito. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Napakaswerte kong talaga at itong si Margaret ang mapapangasawa ko. Bukod sa napakaganda na ay napakabait pa."
         Napatingin naman siya kay Margaret.
         "Ako nga rin eh napakaswerte ko at itong si Mike naman ang mapapangasawa ko, napaka-pogi kaya nito," sabi naman nito na nakangiti kay Margaret.
         Bumaling naman si Luke kay Margaret. "Matagal na ba kayong magkakilala nitong si Mike ha Margaret?" tanong nito rito.
         Si Mike ang sumagot para rito. "Oo matagal na close na close nga kami niyan eh."  Sinulyapan lang niya si Margaret na tila hinahamon ito na tapatan ang sinabi niya.
         Napansin ni Margaret na tinititigan ito nina Clara at Luke. "Oo close talaga kami niyan."
         Nagsalita naman si Clara. "Matagal na ba kayong magkasintahan nitong si Margaret ha Luke?" tanong nito rito.
         Nakangiting sumulyap muna ito kay Margaret bago sumagot. "Ang totoo'y ngayon pa lang kami nagkita nitong si Margaret. Ipinagkasundo kasi kami pareho ng mga magulang namin na magpakasal."
         Napangiti naman kaagad si Clara sa narinig rito. "Ganon ba, what a coincidence, ganoon din kasi kami nitong si Mike pareho kaming ipinagkasundo ring magpakasal ng mga magulang namin. Mga bata pa kami pareho ni Mike ay napag-usapan na nila ang pagpapakasal namin pagdating namin sa tamang edad."
         "Parehong-pareho pala ang sitwasyon natin kung ganoon, nakakatuwa naman," sabi ni Luke. "Ito nga sana ang unang date naming dalawa."
         "Kami rin ni Mike ito rin ang unang date namin," sabi naman agad ni Clara.
         "Pero sa susunod na date namin ni Margaret ay sa Hongkong na kami magpupunta," banggit nito. Napakunot naman agad siya ng nuo saka sinulyapan si Margaret.
         "Nakakainggit ka naman Margaret at sa Hongkong pa talaga kayo magdi-date nitong si Luke," sabi nito kay Margaret. "Napakaswerte mo naman at mukhang galanteng-galante itong mapapangasawa mo"
         "Gagawin ko talaga lahat para mapasaya lang itong si Margaret sa piling ko. Kaya nga nag-kusa na akong magsabi sa Daddy niya na ako na lang ang magbabayad sa tatlong milyon nilang pagkakautang sa isang kompanya," pagtatapat nito kay Clara.
         Nagulat bigla si Mike sa narinig rito. Tinitigan niya ito ng mariiin.
         Bumaling kaagad si Luke kay Margaret at nakangiting nagkwento.  "Natuwa nga sa akin ang Daddy ni Margaret dahil doon. Kaya naman nang ipagpaalam kong isasama ko siyang mamasyal sa Hongkong ay pumayag kaagad."       
         Namula kaagad ang mukha ni Mike sa magkahalong pagkagulat at pagkagalit sa sinabi nito sa harapan niya. Tinitigan niya si Margaret na tila nagtatanong kung pumayag itong sumama kay Luke sa Hongkong. Umiling ito nang marahan para ipahiwatig sa kanya na ayaw nitong sumama kay Luke subalit hindi niya ito napansin dahil muli siyang tumitig kay Luke nang umubo ito nang bahagya.
         Nagpatuloy pa sa pagsasalita si Luke. "Excited na excited na talaga ako sa biyahe namin nitong si Margaret. Malamang aabutin kami roon ng mga dalawang linggo." Bigla namang nag-ring ang cellphone nito. Sinagot nito kaagad iyon. Napangiti naman kaagad ito sa narinig sa kabilang linya. Pagkatapos ay masayang-masyang ibinaba ang sariling cellphone. Bumaling kaagad ito kay Margaret. "Margaret, good news! Nakakuha na ng dalawang plane ticket papuntang Hongkong ang sekretarya ko. Maari na tayong umalis ngayon mismo."
         Hindi na nakatiis si Mike sa huling sinabi nito. Nagpupuyos ang damdaming tumayo ito sa kanyang kinauupuan at kaagad na lumapit kay Margaret. Nakatayong nakatitig siya kay Margaret sa pagkakaupo nito sa tabi ni Luke. Nagulat pareho sina Luke at Clara sa biglaang inasal niya. "Halika na! Tumayo ka na riyan!" mariing utos niya kay Margaret.
         Napatitig lang si Margaret sa kanya. "Halika na!" mariing ulit niya na kaagad hinawakan ang kamay ni Margaret. Kaagad namang hinawi ni Luke ang braso niya. Subalit hindi siya bumitaw kay Margaret. Sa halip ay kaagad binalingan si Luke at kinausap ng derecho. "Girlfriend ko itong gusto mong dalhin sa Hongkong!"
        Nagulat na pareho sina Luke at Clara sa sinabi niya. "Totoo bang sinasabi nito ha Margaret?" tanong agad ni Luke. Nakatinging tumango nang marahan si Margaret. "Oo girlfriend niya ako...." Sa sinabing iyon ni Margaret ay kaagad na niyang hinatak patayo ito. Nakita naman niya na papalapit sa kinaroroonan nila ang Daddy ni Margaret sa unahan nila. Kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon kaagad na siyang naglakad nang mabilis na hatak-hatak si Margaret sa kamay nito. Mabilis na mabilis niya itong hinatak papasok sa isang papasarang elevator malapit sa kinauupuan nila. Nasa loob na sila ng elevator subalit hindi pa rin siya nagsasalita. Ni hindi niya tinitingnan man lamang si Margaret. Inangat ni Margaret ang ulo nito para mapagmasdan siya. Nakita nitong may namumuong luha sa mga mata niya. "Mike..." sambit nito. Hindi siya sumagot sa marahang pagtawag nito sa kanya. Sa halip ay napansin nitong pinipigilan niya ang sarili na tuluyang maluha. Nakita nitong huminga siya nang malalim at kaagad naging blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Nakatitig lang ito sa harapan nila, sa pintuan ng elevator. Ilang sandali pa'y nagbukas na ang pintuan nito. Naramdaman nitong humigpit muli ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Muli siyang naglakad ng mabilis papalabas ng Mall at kaagad na tinungo ang nakaparada niyang sasakyan. Pagkapasok nila sa loob ay kaagad itong nagmaneho at mabilis na iniwan ang Mall. Malayo-layo na rin ang narating nila subalit hindi pa rin siya nagasasalita. Patuloy itong nagmaneho patungo sa kung saaan. Ilang sandali pa ang lumipas ay napansin nitong dahan-dahan na siyang kumakalma. Ibinaling niya ang ulo niya rito. Tinitigan niya ito sandali sa tabi niya pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito at pinisil nang marahan saka muling tumingin sa kalsadang kanilang binabaybay.
   
                                                                                          Chapter 8

            NAPANSIN ni Margaret na ipinarada ni Mike ang kanyang sasakyan sa isang magarang beach house. Napuna nitong pinagmamasdan niya iyon nang mabuti. "Palagi akong nagpupunta rito sa beach house ko kung gusto kong makapag-isip nang mabuti," banggit nito sa kanya nang tuluyan na silang makalabas ng sasakyan nito. Kaagad namang dinala siya nito sa may pintuan. Sinusian iyon nito at kasama siyang pumasok sa loob. Pinailawan kaagad nito ang buong bahay. Kaagad nagtungo ito sa isang kwarto at yinaya siyang pumasok. Tiningnan niya ito ng mariin habang tinatawag siya sa nakabukas na pintuan ng kwartong iyon. Ngumiti ito ng bahagya sa kanya. Lumapit siya. Nakita niya kaagad roon ang isang maganda at malaking kama. Nasa loob na ng kwarto ang dalawa. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat niya. Pagkatapos ay marahang yumuko at ginawaran siya ng magaang na halik sa pisngi. "Iiwanan muna kita rito Margaret," bilin  nito sa kanya. "Babalik ako mamaya..." Niyakap siya nito nang marahan bago tuluyang umalis ng kwarto at lumabas ng beach house. Naupo siya sandali sa kama. Nagustuhan niya ito kaya nagpasya siyang mahiga sandali. Nakatulog siya. Gabi na nang magising siya. Narinig niyang may marahang kumakatok sa nakasaradong pintuan ng kwartong tinulugan niya. Nagbukas iyon at dahan-dahang pumasok si Mike. Nginitian siya nito sa kanyang pagkakahiga sa malambot na kama. Lumapit kaagad ito sa kanya. Yumuko nang bahagya. Kinarga siya nito. Hinayaan lang niya ito. Ngumiti itong muli sa kanya saka dahan-dahang naglakad palabas ng kwarto. Ipininid nito ang pintuan ng bahay nang tuluyan na silang makalabas mula rito. Pagkatapos ay kaagad tumalikod at naglakad ito karga-karga siya papunta sa buhanginan sa harapan nito. Nang nasa pagitan na sila ng beach house at ng dagat ay dahan-dahan siya nitong ibinaba sa buhanginan. Nakatayo silang dalawa sa maputi, pinong-pino at malambot na buhanginan. Naramdaman kaagad niya ang malamig na simoy ng hangin. Natatanaw niya ang mga maliliit na mga alon sa may dagat sa harapan nila. Pareho nilang nilanghap ang malamig at sariwang hangin. Hinawakan nito ang isa niyang kamay. Nagtagal sila sa ganoong ayos. Tahimik at masayang magkatabi sa napakagandang lugar na iyon. Napapansin niyang nakatanaw ito sa kalangitan. Kabilugan ng buwan at napakaraming makikislap na mga bituin. "Nagagandahan ka ba sa kalangitan ngayong gabi Margaret?" tanong nito sa kanya.
          Tumanaw siya sa itaas at pinagmasdan din ang mga tala at ang maliwanag na buwan. "Oo napakagandang pagmasdan ng mga ito."
           "Mahal kita Margaret," umpisa nito. "Napakasaya ko ngayong kasama kita, pakiramdam ko'y ako ang ang nagmamay-ari ng buong kalangitan." Dahan-dahan itong lumuhod sa harapan niya. Hinalikan nito ang kanyang kaliwang palad. Pagkatapos ay may hinugot sa kanyang bulsa. Isinuot nito iyon sa palasingsingan niya. Napatitig siya sa ginawa nito.
          Bahagyang nagtataka. "Anong ginawa mo Mike?"
          Sumagot naman agad ito. "Isinuot ko sa iyo ang alay kong singsing."
          Nagtaka siyang muli sapagkat wala naman siyang nakitang singsing na isinuot nito sa kanya. "Pero wala akong makitang singsing sa daliri ko Mike?"
          Tumayo kaagad ito mula sa kanyang pagkakaluhod sa buhanginan. Lumibot ito sa likuran niya saka bahagyang niyapos ang beywang niya. Lumingon at tumingala siya sa mukha nito. Nginitian siya nito. Pagkatapos ay hinawakan ang kaliwang braso niya at itinaas at itinuro sa kalangitan. Ang kanang kamay naman nito ay marahang itinakip sa isa niyang mata. "Itapat mo ang palasingsingang daliri mo sa napakagandang bituin na iyan." Ginawa naman niya ito. Napangiti agad siya sa namalas niya. Nagmistulang makislap na bato ang maningning na bituin sa hindi nakikitang singsing na inalay nito sa kanya. Napahugot siya ng hangin sa malabis na kariktan nito sa ibabaw ng kanyang palasingsingan.
         Habang nakatakip pa rin ang isa nitong palad sa kanang mata niya ay muli itong nangusap. "Ang kaligayahan ko'y ikaw. Ang lahat ng mga bituing nakikita mo ay akin Margaret.... at ang lahat ng sa akin ay sa iyo..... pakasal ka sa akin Margaret..." Napaluha siya nang bahagya sa alay na kasal nito.  "Pakasalan mo ako Margaret..."
        Ngumiti siya at bahagyang kinalma ang sarili. Kinalas niya ang palad nitong nakatakip sa mata niya at dahan-dahang lumibot sa likuran nito. Niyapos niya nang bahagya ang beywang nito. Napalingon at napangiti ito sa kanya. Itinaas niya ang kaliwang kamay niya at itinakip sa kaliwang mata nito. "Pagmasdan mo ang bilog na buwan. "Anong titik ang nakikita ng kanang mata mo?" marahang tanong niya.
       Bahagyang nagtatakang sumagot ito. "Titik O." Tinanggal naman niya ang kaliwang palad sa mata nito at itinaas ang kanang palad niya at itinakip sa kanang mata nito. "Anong titik ang nakikita ng kaliwang mata mo Henry?"
       Nakatanaw at nakatingalang sumagot ito. "Titik O." Napahugot kaagad ito ng hangin at napangiti nang dahan-dahang maunawaan nito ang kasagutan niya. "Ang ibig mong sabihin ay..."
       "Ikaw ang buwan ko. Ikaw ang mundo ko. Oo Henry, oo ang sagot ko, pakakasal ako sa iyo..." Humarap kaagad ito sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Pagkatapos ay muling lumingon at tiningala ang napakaliwanag na bilog na buwan. "Tayong dalawa lang sa bago nating mundo. Ikaw lang at ako habang-buhay, magkasama... magkasalo..." Dahan-dahang hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. Hinalikan siya nito ng buong puso. Naramdaman niya ang pagmamahal nito para sa kanya. Para silang lumulutang sa malabis na kaligayahan sa piling ng isa't isa. Patuloy siyang hinalikan nito sa mapupula niyang mga labi. May hinugot ito sa kanyang bulsa. Naramdaman niyang may isinuot ito sa daliri niya. Isa iyong sing-sing. Hindi na niya nagawang makita ito dahil hindi siya pinakawalan ng mga halik nito.
        Kinaumagahan nagising siya sa kama. Kaagad niyang muling tiningnan ang singsing na ibinigay sa kanya nito. Napahinga siya nang malalim sa malabis na kagandahan nito sa daliri niya. Narinig niyang may kumakatok sa may pintuan. "Mahal..." marahang tawag nito sa kanya. Pagkatapos ay sinbukan nitong buksan iyon para makapasok ng kwarto. Subalit hindi ito nagbukas, nakakandado ito. Humirit kaagad ito. "Mahal naman ba't ka naman basta na lang nangangandado ng bahay nang may bahay, kwarto nang may kwarto ha? ngingiti-ngiting sabi nito.
        Nagsalita naman agad siya. "Anong sabi mo, di ba sabi mo ang lahat ng iyo ay akin din ha..." malakas at ngiti-ngiting sagot niya.
        "Oo nga pala ano..." ngingisi-ngising sabi nito. "Pero pagbuksan mo na ako mahal."
        "Bakit kalmado ka na ba ha?" pabirong tanong niya rito.
        Nakangiting huminga lang ito nang malalim. "Oo mahal kalmado na ako, hindi kagaya kagabi sa may dalampasigan."
        "Sigurado ka..." sabi lang niya mula sa loob ng kwarto.
        "Oo," mabilis nitong sagot. Pinagbuksan naman kaagad niya ito. Agad siya nitong yinakap at hinalikan sa ibabaw ng buhok niya. Ngumiti ito sa kanya. "Nagugutom na ako mahal..." sabi nito. Nag-almusal naman kaagad silang dalawa. Matapos nilang makaligo at makapagbihis ay nagpasya na itong bumalik at harapin ang kani-kanilang mga magulang.

                                                                                           Chapter 9

        "ANDITO na tayo sa bahay namin ng Daddy Margaret," sabi niya rito habang nakahawak sa manebela. "Ano handa ka na bang makita ang magiging manugang mo ha?" biro niya rito.
       "Ikaw talaga, baka nga magalit pa sa akin iyon eh," sagot nito sa kanya.
       "Hindi mas maganda ka naman kaysa doon sa isa," sabi niya. "Saka bago naman ako umalis, may napagkasunduan naman kami. Pagbigyan ko lang daw siyang samahan si Clara at nasa sa akin na iyon kong susunod ako sa kagustuhan niya."
       "Talaga..."
       "Oo kaya huwag kang mag-alala kayang-kaya ko ang Daddy," alo niya rito. "So papano bubusina na ako." Bumusina naman siya kaagad at ilang sandali lang ay may katulong na lumapit at pinagbuksan sila ng gate. Muli naman niyang pinaandar ang kanyang sasakyan at ilang sandali lang ay nasa harapan na sila ng pintuan ng kanilang bahay. Kaagad itong nagbukas. Nakita kaagad ni Margaret ang Daddy niya. Nakatayo ito sa gitna ng nakabukas na pintuan at nakatitig rito. Kinabahan kaagad ito. Sinubukan nitong ngitian ito. Subalit isang malalim na buntong-hininga lang ang isinagot nito rito. Napatingin si Margaret sa kanya. Lalo itong kinabahan rito lalo na nang dahan-dahan itong humakbang palapit sa kanila. Pinisil niya nang marahan ang palad nito. Bumaba siya sa sasakyan. Pagkababa niya ay bumaba na rin si Margaret. Magkatabi silang nakatayo at parehong nakatingin sa Daddy niya. Napansin niyang lalo pang kinakabahan ito kaya binati na niya ang Daddy niya. "Magandang umaga Dad!" magiliw na magiliw na bati niya rito. Subalit hindi siya sinagot nito bagkos ay tumalikod ito at muling pumasok sa loob ng kanilang malaking bahay. Napailing siya at lalo pang kinabahan si Margaret. Tumuloy sa bahay ang dalawa. Nakita nilang nagbabasa ng dyaryo ito habang nakaupo sa kanilang sofa. Hindi nila makita ang mukha nito. Nagkatinginan ang dalawa. Ngumiti siya nang bahagya kay Margaret. Nagpasya siyang umupo malapit sa kinauupuan ng Daddy niya. "Dad..." sabi niya.
         "Baket..." sagot nito na patuloy sa pagbabasa ng malaking dyaryo.
         "Dad, kasama ko po si Margaret," pagpapatuloy niya.
         "Eh ano ngayon," sagot nito na hindi man lang ibinaba ang dyaryong hawak-hawak niya.
         "Magpapakasal na po kaming dalawa," pagpapaalam niya rito. Hinawakan niya ang palad ni Margaret sa tabi niya.
         "Talaga," sabi nito.
         "Opo Dad, nag-propose na po ako kagabi kay Margaret," pagpapatuloy niya. "Tinanggap na po ni Margaret ang alok kong kasal Dad."
         Ibinaba kaagad nito ang dyaryong binabasa nito. "Sigurado ka ba talagang magpapakasal na kayong dalawa ha Mike," sabi nito na nakatingin sa kanya.
         "Opo Dad, siguradong-sigurado na po ako," paniniguro niya rito.
         "Sa wakas!" bulalas nito. Nagkatinginan kaagad ang dalawa sa naging reaction ng Daddy niya. Kinuha kaagad nito ang kanyang cellphone at kaagad na may tinawagan. Sinagot naman kaagad ito. "O pare andito sa bahay ang anak mong si Margaret. Magpapakasal na ang mga anak natin."
         Nagulat na nagkatinginan ang dalawa sa sinabi nito sa cellphone nito. "Kung ganoon..." usal nang dalawa na kaagad lumiwanag pareho ang mga mukha.
        Nagpatuloy sa pagsasalita ang Daddy niya. "Sabi ko naman sa iyo eh, sa galing ng acting mo at husay kong magplano magpro-propose kaagad itong anak ko sa anak mo." Nagkwentuhan pa ng ilang sandali ang magkumpare. Parehong masayang-masaya na sa wakas ay matutupad na ang matagal na nilang pinapangarap na ipakasal ang kanikanilang mga anak. "Papano pare, mag-usap na lang tayo uli. Ibaba ko na muna ito at nang makausap kong muli ang mga bata." Ngiti-ngiting bumalik ito sa kanyang kinauupuan kanina. "Masayang-masaya ako na magpapakasal na kayo ni Margaret Mike."
        "Kayo talaga Dad," sabi lang niya. "Kung ganoon sina Clara at Luke ay..."
        "Oo kunwaring mapapangasawa mo lang si Clara at si Luke kay Margaret," sagot kaagad nito. "At siguro nama'y alam mo na ang dahilan namin kung bakit kinakailangan naming gawin iyon."
         "Opo Dad," sabi niya. "At dahil kami naman talaga ni Margaret ang ipinagkasundo niyo ang ibig sabihin hindi ko na proproblemahin pa kung papano ko hihingin ang mga kamay ni Margaret sa Daddy niya."
        "Oo anak, dahil kayong dalawa naman talaga ang pinagkasundo naming magpakasal," sagot nito. Bumaling naman ito kay Margaret. "Masaya akong pumayag kang magpakasal dito sa anak ko Margaret."
         "Masaya rin po akong makilala na po kayo sir..." sabi lang nito.
         "Anong sir... Daddy na nag itawag mo sa akin hija," sabi nito. "Tiyak kong kung nabubuhay lang pareho ang mga ina niyong dalawa ay magiging napakasaya rin ng mga iyon. Sila naman kasi talaga ang nagplano ng lahat ng mga ito. So Papano maiwan ko na muna kayong dalawa, anak asikasuhin mong mabuti itong mapapangasawa mo," masaya at magaan na magaan ang pakiramdam na bilin nito sa anak. Pagkatapos ay kaagad na itong tumayo at nagtungo sa kanyang kwarto.
        Nakahinga nang maluwag na napatitig siya kay Margaret. Napakasaya niya na malaman na wala na silang iisipin pang dalawa kundi ang nalalapit nilang pagpapakasal. "Tayo pala talaga ang nakalaan para sa isa't isa mahal ko. Napakasaya kong talaga sa araw na ito."
        Matapos niyang mailibot at maipakita rito ang buong kabahayan at bakuran nila ay nagpasya na siyang ihatid ito sa sariling pamamahay nito. Kaagad siyang nagmaneho papunta roon. At pagkarating na pagkarating nila hindi pa man siya nakakabusena ay kaagad nang may katulong na nagbukas ng gate. Kaya kaagad siyang nagmaneho papasok. Sinalubong kaagad sila ng napakasayang ama ni Margaret. Pagkababa nito ay kaagad itong yumakap sa kanyang ama sa gitna ng nakabukas na pintuan. Yinakap nito ang anak nang mahigpit na mahigpit habang nakangiti siyang pinagmamasdan papalapit sa mga ito. "Halika rito Mike, anak. Sa wakas ay matutupad na rin ang matagal na naming pinakahihintay na magkakaibigan kami ng mga Daddy niyo at ang mga Mommy niyong pareho nang nasa langit. Tiyak kong galak na galak ngayon ang mga iyon habang pinagmamasdan kayo sa langit." Nang kumalas sa pagkakayap si Margaret ay kaagad silang sumunod ni Mike papasok sa kanilang bahay. At sa kanilang sala ay masaya nilang ipinagpatuloy ang kanilang kwentuhan. Habang nakaupo silang tatlo sa may sofa ay tatawa-tawa itong naikwento na napilitan siyang magkunwaring nahimatay dahil nagkamali ito nang sinabi nito sa kanyang nagnakaw siya para pantubos ng bahay gayong nang lumabas naman si Margaret ay nasabi niyang naubos at nalustay nito ang pera sa sugal. Ginawa daw nito iyon para kaagad na maiwasan na maipagtugma-tugma nilang dalawa ang kanyang mga kadahilan. Nakangiting napailing na lang ang dalawa sa kwento nito. Pero ang higit na pinakamasaya ay si Margaret dahil napatunyan nitong hindi naman pala talaga nagnakaw ang pinakamamahal nitong ama at lalong hindi ito ginawang pambayad atraso nito sa kanya. Humingi naman kaagad siya nang paumanhin rito dahil sa ginawa niyang paglusob sa pamamahay nito upang komprontahin sana ito. Habang tumatagal ang kanilang kwentuhan ay lalong napalagay ang loob niya sa ama nito. Napansin niyang may pagkakahawig ang pamamaraan nang pagsasalita nito sa kanyang sariling ama. Patunay na talagang matalik na matalik na magkaibigan ang dalawa. Matapos ang ilan pang masasayang kwentuhan ay nagpasya na siyang magpaalam kay Margaret. Napagkasunduan nilang dalawa na magkikita sila kinabuksan para maasikaso na kaagad ang kanilang pagpapakasal. Masayang inihatid ng tingin ni Margaret at nang Daddy nito ang papalabas ng gate na kotse niya. Pagka-alis na pagka-alis nito ay muling masayang nagyakap ang mag-ama. Masayang masaya sa lahat ng mga kaganapan sa araw na iyon. Para kay Mike at kay Margaret wala nang anumang bagay ang maaring mangyari pa para mapigilan ang kanilang kaligayan sa piling ng isa't isa, sa kanilang pagpapakasal....
        
                                                                                   Chapter 10

       PAGKAGISING na pagkagising ni Margaret ay kaagad itong naligo at nagbihis. Bumaba kaagad siya para makasamang mag-almusal ang kanyang ama. Napakasaya nang almusal na iyon para sa kanilang dalawa. Excited na excited pareho sa pagdating ni Mike para sunduin siya para kumuha na ng kanilang marriage license. At matapos na matapos lang silang mag-almusal ay narinig na kaagad ng dalawa ang pagbusina ng kararating lang na sasakyan nito. Nakangiting nagpaalam kaagad siya sa kanyang ama at mabilis na naglakad palabas ng kanilang bahay para salubungin ito sa harapan ng kanilang pintuan. Binuksan kaagad nito ang kanyang bintana at binati siya. "Mahal andito nang mahal mo. Halika na nang makakuha na tayo ng lisensya para ating pag-iisang dibdib." Napangiti kaagad siya sa kagalakan sa tinuran nito. Nakita niyang kaagad nagbukas ang pintuan ng sasakyan nito. Kaya kaagad siyang lumapit at dumungaw. Inabot naman kaagad siya nito at binigyan ng isang halik sa kanyang labi. Pagkatapos ay sumakay at umupo na kaagad siya sa tabi nito. Nang maisara na ang pintuan ay kaagad pinaandar nitong muli ang sasakyan nito. Dumaan itong muli sa nakabukas na gate. Pagkalampas na pagkalampas nila sa gate ay natigilan sila. May isang dilaw na taxi na biglang humarang sa kanilang dinaraanan. Napaapak kaagad ito sa kanyang break. Tinitigan nito ang nasabing taxi na nakaharang pa rin sa harapan nila. Nag-katinginan sandali ang dalawa sa loob nang sasakyan. Napakunot ang nuo nito nang makilala ang dilaw na taxi. Natatandaan nitong napansin nitong sumusunod ito rito habang papunta ito sa bahay niya. "Sandali lang mahal, babain ko lang ito," paalam nito sa kanya. Pagkababa na pagkababa nito sa sasakyan ay kaagad na bumukas ang pintuan ng taxi. Lumabas ang isang babae. Buntis ito at kaagad itong tumitig kay Mike pagkatapos ay pilit na tinanaw si Margaret sa loob ng sasakyan nito. "Esmeralda, anong ginagawa mo rito?" tanong kaagad ni Mike sa babae. Lumabas na rin siya ng sasakyan at lumapit sa tabi ni Mike. Napansin kaagad niya ang pagtitig nito sa kanya. Napatitig siya sa tiyan nito. Bigla siyang kinabahan. Napatitig siya kay Mike na bahagyang nagtatanong kung anong nagyayari. Napansin niyang may galit na namumuo sa ekspresyon nang mukha nito habang patuloy na tumititig sa kanya.
       Nakatitig sa kanyang kinausap nito si Mike. "Siya ba ang dahilan kung bakit mo ako hiniwalayan Mike ha?" Napatingin si Mike sa kanya. Pilit ngumiti ito sa kanya para panatagin siya. Pagkatapos ay kinausap si Esmeralda. "Naghiwalay tayo nang maayos Esmeralda. Nang makipaghiwalay ako sa iyo ay naalala kong tinanggap mo ito nang maluwag sa iyong dibdib. Inamin ko naman sa iyo na hindi talaga kita mahal kaya minabuti kong makipaghiwalay na sa iyo. Alam mo naman ang damdamin ko para sa iyo mula sa umpisa at tinaggap mo iyon. At napag-usapan natin na pag kinakailangan na nating maghiwalay ay tatanggapin natin pareho iyon nang maluwag sa dibdib. At saka nang makipaghiwalay ako sa iyo hindi ko pa nakikilala noon si Margaret. Kaya pakiusap ayusin mo ang pananalita mo sa kanya. Wala siyang ginawang anumang kamalian sa iyo."
      Ngumiti lang ito at muling nagpatuloy. "Wala ka bang napapansin ha Mike?" tanong nito na nakatitig rito pagkatapos ay bumaling kay Margaret. "Buntis ako at ikaw ang ama!" Parang may sumabog na bomba sa pandinig nito. Nanlamig ang buo nitong katawan. Nag-aalangan at natatakot na napatingin ito sa kanya. Ibinuka nito ang kanyang bibig para panatagin siya subalit walang ni isang katagang lumabas sa bibig nito. Nakita nitong bahagyang napapaluhang naguguluhan ang mukha niya.
       Huminga ito nang malalim at muling bumaling kay Esmeralda. "Papanong nabuntis kita..." nag-aalang tanong nito rito.
       Humalakhak lang ito. Umiling-iling na parang nanuya. Pinasadahan pa nito siya ng tingin. "Apat na buwan na akong buntis Mike. Magbilang ka ng buwan Mike!" utos nito rito. Nanlalamig na nag-isip ito. Napaatras ito sa napagtanto nito. Apat na buwan na ang nakakaraan ng magkasama silang dalawa sa isang hotel.
Napalunok ito. Pinagpapawisang napatingin ito sa kanya. Lumuluhang tumitig siya kay Mike. Nakataas ang mga kilay na halinhinang pinagmasdan ni Esmeralda ang mga mukha ng dalawa. Kaagad itong may inilabas na papeles at iniabot kay Mike. Nanginginig ang mga kamay na binasa nito ang nilalaman ng papel. Isa itong dokumento na nagsasaad na apat na buwang buntis na ito. Pirmado iyon ng isang Doktor mula sa isang kilalang Hospital. Inangat nito ang ulo nito at muling tumingin sa lumuluhang si Margaret. "Margaret...." usal nito. Humakbang itong papalapit sa kanya. Hinawakan nito ang dalawa niyang mga palad. Magpapaliwanag ito. Subalit bago pa man may lumabas na kataga sa kanyang bibig ay tumalikod at luhaang nagtatakbong papasok pabalik siya sa kanilang bakuran. "Margaret!" malakas at muling tawag nito. Subalit parang wala siyang naririnig nagpatuloy siya sa pagtakbo papasok ng kanilang bahay. Hahabulin sana siya nito subalit kaagad itong hinawakan sa kanang braso ni Esmeralda.
      "Ako muna at ang magiging anak natin ang atupagin mo Mike!" nakatitig ritong mando nito. Subalit kinalas nito ang nakahawak na kamay nito rito.
      "Mag-uusap tayo oo. Pero sa ngayon mag-uusap muna kami ni Margaret!" mariing pahayag nito na nakatitig rito.
      Nandidilat ang mga matang tumitig ito rito. Subalit kaagad nitong kinalma ang sarili at ngumiti rito. "O sigi Mike mag-usap kayong dalawa. Pero pagkatapos na pagkatapos ay magtungo ka kaagad sa bahay ko para kausapin ako. Pero huwag na huwag mong kalillimutan sa akin ka may pananagutan at hindi sa kanya!" pagtatapos nito saka mabilis na lumakad papasok sa sinakyan nitong taxi. Pagkaalis na pagkaalis nito ay kaagad itong pumasok sa bakuran nina Margaret. Pagkarating na pagkarating nito sa malapit sa may pintuan ay nakita nito ang ama nitong nakatayo at nakatitig sa kanya. Atubili itong lumapit dito. Sinikap nitong tingnan ito ng tuwid sa mga mata nito. Napansin nitong may alam na ito sa mga nangyari. Lumapit pa ito rito. "Sir patawarin niyo po ako... hindi ko inasahan na may mangyayaring ganito..."
       Kalmadong tinapik lang nito ang balikat ni Mike. "Alam ko ang naging buhay mo Mike. Naikwento sa akin lahat iyon ng Daddy mo. Nangyari ito bago mo pa man nakilala ang anak ko. Wala kang dapat ihingi ng paumanhin sa akin Mike."
       Napatitig na nagpasalamat ito rito. "Marami hong salamat at nauunawaan mo ako."
       "Andoon si Margaret sa may pool. Kausapin mo ang anak ko," utos nito rito. "Kung ako ang tatanungin Mike, walang nagbago. Gusto ko pa ring magpakasal kayo ng anak ko..."
       Nakaramdam naman ito kaagad nang pag-asa at tahimik na umasa na sana ay ganoon din ang ang sasabihin niya pag nakausap na nito siya. Pagkaalis ng Daddy niya ay kaagad na nagtungo sa may pool ito para kausapin siya. Nakita siya nito kaagad. Humagulhol ito. Lumuluhang nakatutop ang isang palad niya sa kanyang bibig. Napansin niya ito. Patuloy na lumuluhang napatitig siya sa paglapit nito sa kanya. Ilang sandali lang ay nasa harapan na sila ng isa't isa. Hinawakan nito ang kanyang mga palad. Yinakap siya nito. "Margaret... patawarin mo ako..." usal nito.
        "Wala kang kasalanan Mike..." sagot niya sa kanyang paghikbi.
        Hinigpitan nito ang pagkakayap sa kanya. "Mahal mo pa rin ba ako ha Margaret..."
        Walang pag-aalinlangang sumagot siya. "Mahal pa rin kita Mike... mahal na mahal..." Yumakap rin siya nang mahigpit rito. "Pero naguguluhan ako... hindi ko alam kong may karapatan pa ba ako sa iyo... may pananagutan ka na..."
        "Pero wala pa ring nagbabago. Mahal pa rin natin ang isa't isa. Tayo pa rin. Tayong dalawa pa rin ang nakalaan para sa isa't isa," mariing sagot nito. "Tatanggapin ko ang batang iyon, ang magiging anak ko pero hanggang doon lang..."
         Humagolhol na isinubsob niya ang kanyang ulo sa dibdib nito. "Mike.... Mike...." Hinayaan lang nito na magpatuloy siya sa pag-iyak. Yinakap siya nito nang mahigpit na mahigpit. Pilit na ipinadarama sa kanya kung gaano siya nito kamahal. Umaasang makakayanan nilang dalawa ang napakalaking pagsubok na dumating sa buhay nila.

                                                                                         Chapter 11
      
        PAGKAALIS ni Mike sa bahay nina Margaret ay kaagad siyang nagtungo sa tinitirhang apartment ni Esmeralda. Matapos niyang makagarahe ay kaagad siyang kumatok. Si Esmeralda ang nagbukas ng pintuan. "Mabuti naman at naisipan mong puntahan ako rito Mike," salubong kaagad nito sa kanya. Binuksan pa nito ang pintuan para makapasok siya sa loob. Kaagad siya nitong niyayang umupo. Pagkaupo niya ay kaagad itong umupo sa may harapang kanan niya sa pang-isahang sofa. Bumuntong hininga siya bago nag-angat ng ulo para kausapin ito. "Ano ba ang gusto mong mangyari Esmeralda?" tanong niya rito.
        "Mike natatandaan mo naman siguro, nang makipaghiwalay ka sa akin ay tinanggap ko iyon ng maluwag sa loob dahil sa iyon nga ang napag-usapan natin bago pa man tayo nagkarelasyon," umpisa nito. "Pero iba na ngayon, buntis ako, may responsabilidad ka na sa akin at sa magging anak mo."
        Kinabahan siya sa tono nang pagsasalita nito kaya atubiling muli siyang nagtanong. "Anong ibig mong sabihin Esmeralda?"
        Sumagot kaagad ito ng derecho. "Pakasalan mo ako Mike." Tiningnan siya nito nang mariin habang hinihintay ang sagot niya.
        Napailing siya sa sinabi nito. "Esmeralda may iba na akong mahal, magpapakasal na kami ni Margaret," sagot niya.
        "Papano ako ilalagay mo ako sa kahihiyan ha? Papanong magiging anak ko, palalakihin ko siyang isang bastardo ha?" sabi nito sa galit at matining na boses nito.
        "Unawain mo naman ako, ikakasal na ako Esmeralda. Pero huwag kang mag-alala ibibigay ko ang pangalan ko sa magiging anak natin. Susuportahan ko siya. Bibigyan ko kayo nang maayos na tirahan at pag-aaralin ko siya."
        Ipinikit nito nang mariin ang mga mata nito. "At anong ibig mong sabihin, dadalaw-dalawin mo lang kami ng magiging anak mo ha? Hindi iyan ang gusto ko para sa magiging anak ko. Anak ko 'to kaya ipaglalaban ko 'to. Ang gusto ko'y lumaki siya kasama ka sa iisang bahay."
        Muling napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. Pinilit niyang magtimpi rito. Napansin nito ang pagpipigil niya sa totoong nararamdaman niya. Umupo ito nang tuwid at tiningnan siya ng derecho sa mata. "Hindi kita pipiliting pakasalan ako Mike. Kung ayaw mo talaga akong panagutan bahala ka. Hindi ko na kayo guguluhin ng babaeng iyon. Aalis ako, pero kasama ko sa pag-alis ko ang magiging anak mo." Tumayo kaagad ito mula sa kanyang pagkakaupo at nagtungo sa may pintuan. Binuksan nito iyon pagkatapos ay muling bumaling sa kanya. "Makakaalis ka na Mike," kalmado ngunit madiing sabi nito.
       "Anak ko rin iyan kaya--" 
       "Umalis ka na Mike!" mabilis na putol nito sa sasabihin niya sana rito. "Umalis ka na!" madiing ulit nito.
       Bumuga siya nang hangin bago tumayo sa kinauupuan. Umiiling-iling na naglakad ito palabas ng nakabukas na pintuan. Pagkalabas niya ng pinutan ay muli siyang nagsalita na nakatalikod rito. "Mag-uusap muli tayo Esmeralda." Hindi ito sumagot. Isinara kaagad nito ang pintuan sa kanya. Nagpasyang siyang umuwi na muna sa bahay na kinalakhan niya. Pagkauwi niya ay nadatnan niya ang nag-aala niyang ama. Nakaupo ito sa kanilang sala at hinihintay siya. "Dad...." Lumapit siya rito at naupo malapit rito. "Marahil ay alam mo na ang mga nagyari kanina sa bahay nina Margaret Dad..."
       "Oo anak, nag-usap kami ng kumpare ko kanina," sagot nito sa kanya.
       Bumuntong-hininga siya at tumungo. Napansin ito ng ama niya kaya nagtanong ito. "Nagkausap na ba kayong muli ni Esmeralda ha?"
       "Opo Dad.." sagot niya.
      "Ano'ng sabi niya sa iyo," muli nitong tanong sa kanya.
      Bumuga siya ng hangin bago nag-angat ng ulo para sagutin ang ama. "Ang gusto niya'y pakasalan ko siya at kung hindi'y lalayo siya, sila nang magiging anak ko Dad..."
      "Si Margaret anong sabi niya sa iyo?" tanong uli nito.
      "Mahal pa rin niya ako Dad, pero naguguluhan siya.," sagot niya. "Natatakot ako na baka... na baka magbago ang isip niya tungkol sa kasal namin..." may namuong luha sa mata niya.
      "Kausapin mong muli si Margaret anak. Ipaglaban mo siya," payo nito sa kanya. "At tungkol kay Esmeralda huwag kang mag-alala at kakausapin ko siya."
      "Talaga Dad..." usal nito.
      "Apo ko rin iyon, kaya hindi ko siya hahayaang ilayo sa atin ang batang iyon," paniniguro nito sa kanya. Pagkatapos nilang mag-usap ay tumuloy siya sa kanyang kwarto para magpahinga at mapag-isipan kung ano ang nararapat niyang gawin para masigurong hindi magbabago ang isip ni Margaret sa kasal nila.

                                                                                          Chapter 12

       NAPAPIKIT ng mariin si Margaret. Mahal na mahal pa rin niya si Mike at ayaw niyang mawala ito sa kanya. Habang nakaupo sa ulohan ng kanyang kama ay isinubsob niya ang mukha niya sa nanginginig na mga palad niya. Umiyak siya. Paulit-ulit niyang tinatanong ang sarili kung may karapatan pa ba siya kay Mike. Kung nararapat pa ba nilang ituloy ang kanilang pagpapakasal. Bumaling siya sa gilid ng kanyang kama. Sa kanyang luhaang mga mata ay nakita niya ang larawan niya kasama ang kanyang ama at ina noong siya'y bata pa.  Lahat ng naisin niya'y ibinibigay ng mga ito. Lahat ng mga lugar na gusto niyang pasyalan ay dinadala siya roon. Nasusunod lahat ng layaw niya dahil sa may kaya rin sila. Napakasaya niya noon. Napakasaya niya noon hindi lang dahil sa mga magagandang damit at laruan na mayroon siya. Ang higit na nagpapasaya sa kanya noon ay ang makitang magkasama ang kanyang mga magulang na masaya sa piling ng isa't isa at nagmamahalan. Magkasama silang dalawa sa pagmamahal at pag-aaruga sa kanya. Masaya siya dahil buo ang pamilya niya. Sa naisip niya'y muli siyang napahagulhol.
       Kinabukasan ay tumawag si Mike sa kanya at nagpaalam na dadalawin siya nito para makipag-usap sa kanya tungkol sa pinagdaraanan nilang suliranin. Pumayag siya. Pagkarating nito ay kaagad itong nagtungo sa may hardin upang doon ay malaman nito ang pasya niya tungkol sa kanilang dalawa, tungkol sa kanilang pagpapakasal. Nanlumo ito sa narinig nito mula sa kanya. Nakipaghiwalay siya rito. Sinabi niyang ayaw niyang siya ang maging dahilan para lumaki ang bata na hindi kasama ang ama nito sa iisang tahanan. Nagmakaawa ito sa kanya na huwag siyang hiwalayan. Nasasaktan siya sa naging pasya niya pero para sa kanya ay kailangan niya itong gawin para sa kapakanan ng bata sa sinapupunan ni Esmeralda. Lumuluhang iniwanan niya ito sa may hardin. Subalit hindi pa rin ito sumuko at nangakong hahayaan na muna siya nito para mas mapag-isipan pa ang pasya niya at muling babalik para magkabalikan silang muli. At gaya nang ipinangako nito ay paulit-ulit itong nagbalik sa bahay nila para makipag-ayos sa kanya. Subalit patuloy siya sa pagtanggi. Hangang sa iniiwasan na niya ito at hindi hinaharap sa tuwing bumabalik ito sa kanilang tahanan. Maging sa ibang mga pagkakataon na nagkikita sila sa ibang lugar ay naglalakad siya nang mabilis maiwasan lang ito. Nasasaktan ito sa ginagawa niya rito at nasasaktan rin siyang makitang nasasakatan ito nang dahil sa kanya. Isang gabi mag-isa si Margaret sa kanilang bahay. Dumating ito sa kanilang tahanan. Kumatok ito nang kumatok subalit hindi niya ito pinagbuksan. Nagpunta ito sa harapan ng kanyang kwarto sa kanilang bakuran. Nakabukas pa ang ilaw nito kaya nasisiguro nitong gising pa siya. Sa malakas na boses nito ay muli itong nagsumamo na mag-usap silang dalawa. Nakatayo itong nakatingala sa kanyang kwarto at naghihintay na dumungaw siya. Biglang umulan nang malakas. Hindi ito natinag at nagpatuloy ito sa pagsusumamo sa kanya na muli silang magkabalikan. "Margaret, harapin mo naman ako... kausapin mo ako..." pagmamakaawa nito sa gitna ng gabi at sa nagngangalit na kulog at kidlat. "Margaret mahal na mahal kita, hindi ko kakayaning mawala ka sa buhay ko. Hindi mo na ba ako mahal. Nawala na ba ang pag-ibig mo para sa akin Margaret..."
         Lumuluha ang mga mata niya habang pinagmamasdan  mula sa itaas ng kanyang kwarto sa likod ng kanyang nakasarang bintana ang pagmamakaawa at pagsusumamo nito sa kanya. Nag-alala na siya dahil kung baka kung anong mangyari dito. Matagal na itong nakababad sa ulan at mukhang nilalamig na. Kaya napilitan na siyang kausapin ito. Binuksan niya ang kanyang bintana. Pumasok kaagad ang malakas na hangin at nabasa na rin siya. Nagsalita siya sa malakas na boses. "Mike umuwi ka na may pananagutan ka na! Magkakaanak ka na. Mas kailangan ka niya kaysa sa akin. Hindi ko kayang ako ang maging dahilan na lumaki ang anak mo na malayo sa iyo! Kaya pakiusap umuwi ka na... pabayaan mo na ako Mike please..."
         "Mahal na mahal kita Margaret... kung mawawala ka sa akin ay wala na ring halaga ang buhay ko..." madamdaming sagot nito. Nanatili itong nakatayo sa gitna nang malakas na buhos ng ulan. Nakita niyang napaluhod ito sa kanilang hardin. Umiiyak ito. Lalo pang pumatak ang mga luha niya. Hindi na niya matagalang makita pa ito sa ganoong kahabag-habag na ayos. Nagpasya siyang bumaba at muling kausapin ito. Pagkabukas niya nang pintuan nila ay dahan-dahan niyang nilapitan ang nakaluhod pa rin sa harding si Mike. Napansin siya nito kaya kaagad itong tumayo at yinakap siya. Yinakap siya nito nang mahigpit na mahigpit. Lalo pang lumakas ang pagbuhos nang ulan. "Sabi ko nga ba't hindi mo ako matitiis Margaret... mahal mo pa rin ako..." Hindi siya sumagot at hinayaan lang niyang yakapin siya nito nang mahigpit. Lumuluha pa rin siya. "Tayo na ulit hindi ba Margaret... magpapakasal na uli tayo hindi ba..." nagsusumamong tanong nito habang patuloy siya nitong yinayakap. Subalit hindi pa rin siya sumagot. Patuloy lang ang pagluha niya sa mga bisig nito. Naramdam nitong nangingig siya sa mga bisig nito. "Mahal na mahal kita Margaret..." Huling katagang narinig niya bago siya nahimatay. Nahimatay si Margaret sa mga bisig ni Mike. "Margaret ! Margaret !" lumuluhang sambit nito sa pangalan niya. Subalit nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Kinarga kaagad siya nito at mabilis na itinakbo papunta sa sasakyan nito. Halos liparin na nito ang kahabaan ng kalsada makarating lang kaagad ito sa hospital. Nang makarating sila'y kaagad na inasikaso ng mga doktor sa hospital ang wala pa ring malay na si Margaret. Nag-aapoy ito sa lagnat at nagdedeliryo. Sinasambit niya ang pangalan ni Mike. Luhaang naghintay ito sa labas ng kwarto niya. Alalang-alala at natakot ito na baka tuluyan nang mawala siya rito. Napagulhol ito sa kanyang pagkakaupo at sinisi ang sarili sa nangyari sa kanya. "Kasalanan ko to... kasalanan ko to..." Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang ama niya. Nakita kaagad nito si Mike na patuloy na naghihintay pa sa labas ng kwarto niya. Tumabi ito sa pagkakaupo nito. "Patawarin niyo ako Tito..."
         Tinapik lang nito ito at sinabing wala itong kasalanan dahil nagmamahal lang ito. Nag-isip nang nag-isip si Mike. Hanggang sa tuluyan na siyang makapagpasya. Lumabas naman ang doktor na nag-asikaso kay Margaret. Sinabi nitong maayos na ang kalagayan niya at kinakailangan na lang niyang mabantayan at maalagaang mabuti para magtuloy-tuloy ang paggaling niya. Tahimik na nagpasalamat nang taimtim si Mike. Kinausap nito ang ama niya. "Tito nakapagpasya na ako. Pakakawalan ko na siya.... palalayain ko na si Margaret..." Pagkatapos ay nakalaglag ang mga balikat na tumayo at umalis. Lumuluha at nasasaktan sa tuluyang pagkawala sa buhay nito ng pinakamamahal nito.

                                                                                        Chapter 13

       HINDI  na muling nagpakita pa kay Margaret si Mike. Nagpasya siyang sundin na ang kagustuhan nitong panagutan ang pagdadalang-tao ni Esmeralda. Sa bahay na ipinagpatuloy ang pagpapagaling ni Margaret. Napansin nitong hindi na siya nagpupunta sa bahay nito. Nasasaktan pero pinilit nitong tanggapin ito. Pinuntahan niya si Esmeralda para ipaalam ang kanyang pasyang pakasalan na ito. Tuwang-tuwa kaagad ito sa sinabi niya rito. Habang magkaharap sila sa sala ng tintuluyang apartment nito ay tinapat niya ito na pakakasalan lang niya ito para sa kapakanan ng bata sa sinapupunan nito at dahil na rin ay sa iyon ang kagustuhang gawin niya ng pinakamamahal niyang si Margaret. Napabuntong-hininga ito sa sinabi niya. "Pag nakasal na tayo at nagsama nang matagal nakasisiguro akong matutunan mo rin akong mahalin Mike," sabi nito sa kanya. Hindi na siya sumagot pa rito. Sapagkat para sa kanya batid niyang wala na siyang pakaiibigin pa kundi si Margaret. Pagkatapos ay sinabi niyang ang Daddy na niya ang bahalang mag-asikaso ng lahat ng kakailanganin nila para sa kanilang kasal. Napansin nito ang ka-walang gana nito sa pagpapakasal nila. Subalit sinikap nitong tanggapin iyon dahil masaya na ito na napapayag siya nitong pakasalan ito. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa kanya. Lumipas ang dalawang linggo at naihanda na ang lahat ng kakailanganin nila para sa kanilang pagpapakasal. Mabilis na natapos iyon ng ama niya sa kahilingan na rin niya. Isang buwan na lang ang bibilangin at magpapakasal na silang dalawa. Nasa kanilang bahay siya at malungkot na nag-iisa at nangungulila kay Margaret nang bigla itong makatanggap ng tawag mula kay Esmeralda. Humagolhol nitong sinabi na dinala sa hospital ang maysakit nitong ina. Kaagad namang sumugod siya sa hospital para samahan ito sa pagbabantay rito. Pagkarating na pagkarating niya ay nakita niyang umiiyak ito at yakap-yakap ang ina sa kama nito sa loob ng kwarto nito. Nakaramdam siya ng habag para sa mag-ina. Kaya dahan-dahan siyang lumapit kay Esmeralda. Napalingon ito nang maramdamang bahagyang hinahagod niya ang likod nito para payapain ito. "Dumating ka na pala Mike, pasensya ka na hindi kaagad kita napansin." Ngumiti lang siya rito.
       "Ito ba ang sinasabi mong mapapangasawa mo ha Margaret?" tanong ng nanghihina at nakaratay sa kamang ina nito na nakatingin sa bisita nito.
       "Opo ma, ito po si Mike," pagpapakilala nito sa kanya rito.
       "Kumusta na po kayo Tita," magalang na bati niya rito.
       "Ito nakikita mo naman, pero kaya ko ito," sagot naman agad nito. Umupo si Mike sa tabi ni Esmeralda at sinamahang bantayan ang ina. Nalaman niyang may colon cancer ito. Nagtagal pa sa hospital ang ina nito. Isang araw dumating si Esmeralda at nadatnan nito si Mike sa tabi ng kanyang ina na nagbabantay at magiliw na kinakausap ito. Napansin nitong magaan ang loob ng ina nito sa kanya. Nahuhuli nito ito na nakangiti ito habang nakikipag-usap sa kanya. Pagkatapos ay sasamahan nito siya sa pagbabantay rito. Nakikita nito ang pagmamalasakit niya para sa ina nito. Si Mike na rin ang nakikipag-usap sa mga tumitinging doktor rito. At kaagad namang ibinibigay niya ang lahat ng mga pangangailangan nito at ang mga ipinabibiling gamot para rito. Kapag gabi na at kailangan nang umuwi nito ay ipinahahatid niya ito sa kanilang driver at nagpapaiwan siya upang bantayan at asikasuhin ito. Sa tuwing babalik ito sa hospital at nadaratnan nito si Mike na taos pusong inaalagaan ang ina nito ay naantig ang puso nito. Napapahinga ito nang malalim sa kabutihan ng puso niya. Maging ang ama niya ay nagpakita rin ng pagmamalasakit para sa may sakit na ina nito. Kinakausap rin nito ang mga doktor para kumustahin ang kalagayan nito. Sinabi rin nito rito na huwag itong masyadong mag-alala para sa kanyang ina at baka kung mapano pa ang bata sa kanyang sinapupunan. Biniro pa nito ito na pakaingatan nito ang bata at tiyak na magiging poging lalaki ito katulad nito paglabas nito. Naramdam nitong unti-unti na itong natatanggap ng ama niya. Minsan nang marahan nitong buksan ang pintuan ng kwarto ng ina nito ay nakita at narinig niyang nag-uusap ang ina nito at si Mike. "Mike, hijo nagpapasalamat ako at ikaw ang mapapangasawa ng anak ko. Panatag ako na maiiwan ko siya sa isang mabuting lalaking katulad mo."
        Narinig rin nitong sumagot ito. "Huwag po kayong mag-alala at kahit na anong mangyari ay aalagaan ko ang anak at magiging apo niyo." Dahan-dahan itong lumapit sa ina nito at sa kanya. Bumaling kaagad ang dalawa rito.
        "Halika rito anak," sabi nito sa nanghihinang boses nito. Lumapit pa ito sa kanila at umupo sa tabi ni Mike. "Anak, napakapalad mo at itong si Mike ang makakatuluyan mo. Sana ay patuloy kayong magmahalan. Maging tapat kayo sa isa't isa at huwag gagawa ng kahit ano mang bagay na maaring makasakit sa damdamin ng isa't isa.."
        Ngumiti naman kaagad si Mike rito at sumagot para rito. "Opo iyan po ang gagawin namin, kaya panatagin niyo ang sarili niyo at magpagaling para makadalo pa po kayo sa kasal namin." Nangiti ito sa sinabi niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at pagkatapos ay hinagod nang marahan. Naluha nang bahagya si Esmeralda sa ipinapakitang pagmamalasakit niya sa ina nito. Pagkatapos ay unti-unti nitong ipinikit ang mga mata. Dumating naman ang doktor nito at tinapat na sila sa totoong kalagayan nito. Sinabi nitong wala na silang magagawa pa para sa ina nito. Ilang araw na lang ang bibilangin at tuluyan na itong papanaw. Napahagulhol kaagad ito. Napayakap ito kay Mike. Yinakap naman niya ito at hinagod nang marahan para maibsan kahit papano ang pagdadalamhati nito. Siya man ay naluluha rin sa matinding habag na nararamdaman niya para sa mag-ina. Subalit kailangan niyang maging matatag kaya kaagad niyang kinalma ang sarili niya. Buntis ito at hindi nito magagawang asikasuhin pa ang ina nito. Sa nalalabing mga araw ng ina nito ay hindi na umalis ng hospital si Mike. Sinamahan niya ito at patuloy na binabantayan para kay Esmeralda. Dumating si Esmeralda at nakita nitong hawak-hawak ni Mike ang mga palad nito. Nakita ito ng ina nito. Kaagad itong lumapit sa dalawa at umupo sa tabi nila. Nag-aagaw buhay na ito. Hinawakan nito ang mga palad nito at ipinatong sa palad niya. "M-mike.... E-esmeralda... huwag niyong kalilimutan ang bilin ko sa inyong dalawa....  magmahalan kayo... at maging tapat sa isa't isa..." Pagkatapos ay ipinikit nito ang mga mata at tuluyan nang pumanaw. Humagolhol at sinasambit ang pangalan ng ina na niyakap niya si Esmeralda. Ramdam niya ang malabis na pagdadalamhati nito sa pagkawala ng ina nito.
        Kaagad namang inasikaso niya ang lahat ng mga pangangailangan para sa lamay at pagpapalibing nito. Dumating rin ang ama niya para magpaabot ng pakikiramay para kay Esmeralda. Pagkalipas ng ilang araw ay inihatid na nila sa huling hantungan ang ina nito. Pumatak pa ang mas maraming mga luha sa mata ni Esmeralda at sa lahat ng sandali ay nandoon si Mike para panatagin at damayan ito. Makalipas ang isang linggo matapos ang libing ay muling nag-usap ang dalawa. Napagkasunduan nilang ipagpatuloy pa rin ang pagpapakasal nila.

                                                                                        Chapter 14@@

      NAKITA ni Margaret ang amang may binabasang dyaryo habang nakaupo sa may sala ng kanilang tahanan. Napansin niyang parang malungkot ito. Bumuntong-hininga ito pagkatapos ay muling itinupi ang dyaryo at inilagay sa ilalim ng maliit na mesa sa gitna. Pagkatapos ay nagtungo ito sa may pintuan at lumabas ng bahay. Narinig niya ang tunog ng makina ng papaalis na sasakyan nito. Nagpasya siyang alamin kung ano ang nabasa nito sa dyaryo na mukhang nagdulot ng kalungkutan rito. Mula sa pagkakaupo sa sofa nila ay inabot niya mula sa ilalim ang itinuping dyaryo ng kanyang ama. Kaagad niya itong hinawakan sa dalawa niyang kamay para mabasa ang nilalaman ng pahayagan. Nanginig ang mga palad niya. Tumulo ang mga luha sa mga mata niya at mabilis na naglandas sa kanyang dalawang pisngi. Halos mabulag siya sa dami ng luhang nakaharang sa kanyang mga mata. Nabitawan niya ang dyaryo at nahulog ito sa may sahig sa paanan niya. Bukas na ang kasal ni Mike at ni Esmeralda. Humahagolhol na napatakbo siya sa labas ng kanilang bahay. Gabi na noon at tulog na ang lahat ng kanilang mga katulong sa bahay. Sa kanyang pagtakbong tumatangis ay napatigil siya sa gitna ng kanilang hardin. Natutop niya ang kanyang bibig. Halos hindi siya makahinga. Pakiramdam niya'y parang pinupunit ang kanyang puso. Bukas ay tuluyan nang mawawala sa buhay niya ang pinakamamahal niya. Napaupo siya sa upuan. Humihikbing tumangis siya ng tumangis. Naramdaman niya ang singsing na ibinigay sa kanya nito sa may dalampasigan. Sa luhaang mga mata'y muli niya itong pinagmasdan. Hinubad niya ito at inilagay sa kanyang bulsa. Tumingala siya. Patuloy sa paghikbing tumayo siya. Sa mga mata niyang may nag-uunahang mga luhang pumapatak ay pinagmasdan niya ang mga bituin sa kalangitan. Kabilugan ng buwan. "Mike... Mike... Mike..." daing niya. Itinaas niya ang kanyang kaliwang braso. Itinapat niya ang kanyang palasingsingan sa isang bituin. Naramdaman niyang parang nasa likuran lang niya si Mike at yakap-yakap siya. Subalit kaagad siyang nagising sa katotohanang wala na ito para takpan ang isang mata niya para magmistula iyong makinang na bato sa palasingsingan niya at muli siyang alayan ng kasal. Luhaang muli siyang napahagulhol. "Mike... Mike... Mike..." Wala nang saysay ang mga bituin sa langit dahil wala na sa kanya si Mike. Muli siyang napaupo at isinubsob ang mukha sa nanginginig niyang mga palad. Tumangis siya ng tumangis.
      NAKATANAW si Mike sa kalangitan. Nakita niya ang mga bituin at ang bilog na buwan. Huminga siya nang malalim. Naalala niya kung papano sinagot ni Margaret ang alay niyang kasal sa pamamagitan ng bilog na bilog na buwan. Nangiti siya. Para sa kanya'y iyon ang pinakamaligayang gabi niya sa tanang buhay niya. Subalit ang alaalang iyon ay wala na ring saysay dahil bukas ay ikakasal na siya. Bukas ay tuluyan ng mawawala si Margaret. Nagsisi siya at nanghinayang. Kung sana'y sinunod niya ang hiling ng kanyang ama na makipagkita noon pa rito ay hindi na sana nangyari pa ang lahat. Sana'y nakilala na niya ito bago pa niya nakilala si Esmeralda. Siguro'y napakasaya namin ngayong gabi. Siguro'y kaming dalawa ang ikakasal bukas. Tumulo ang luha sa mga mata niya. "Margaret... Margaret mahal ko... bakit kinakailangang mangyari sa ating dalawa ito..." Sa gabing iyon ay sabay na tumangis ang dalawang pusong nagmamahalan.
       Nagising si Mike sa tunog ng pagkatok ng kanyang ama sa pintuan ng kanyang kwarto. "Anak, kinakailangan mo nang maghanda para sa kasal mo," pagpapaalala nito. Kailangan na niyang harapin ang katotohanan. Ikakasal na siya sa araw na iyon kay Esmeralda. Mawawala na sa kanya nang tuluyan si Margaret. Bumangon siya at nagpunta sa kanyang banyo at naligo. Pagkatapos makapagbihis ay magkasama silang nagpunta ng ama sa may simbahan kung saan gaganapin ang kanilang kasal ni Esmeralda. Pagkarating nila ay naroon na sa nakagayak na simbahan ang mga bridesmaids at ang kanyang best man. Binati kaagad siya ng mga ito. Ngumiti lang siya pabalik sa mga ito. Tahimik na tinaggap niya ang kanilang mga papuri at pagbati. Lahat ng mga naroon ay nakangiti at mukhang masayang-masaya. Maliban sa kanya. Napansin niyang nagawa pa ring ngumiti ng kanyang ama sa kanilang mga kakilala at mga bisita. Hindi pa rin dumarating si Esmeralda. Kasama at katabi ng kanyang mga matatalik na kaibigan ay hinintay nila ang pagdating nito. Pumatak pa ang ilang minuto ay hindi pa rin dumarating ito. Patuloy sa kani-kanilang kwentuhan ang lahat ng mga tao roon. Inaantabayan ang pagdating ng bride. Nagliwanag kaagad ang mga mata ng marami ng makitang parating na ang isang puting bridal car. Dahan-dahang umusad iyon papalapit sa may simbahan. Nakita kaagad ng mga tao ang sakay noon. Nakita nila si Esmeralda sa kanyang napakagarang bridal gown. Ngumiti kaagad ito sa kanila. Napahanga ang marami rito. Nagtama ang paningin ni Mike at ni Esmeralda. Nginitian kaagad siya nito. Pagkatapos niya itong ngitian ay naglakad siya papunta sa may altar sa loob ng simbahan. Bumaba na rin si Esmeralda sa kanyang sasakyan. Ang lahat ay kaagad nang nagpuntahan sa kani-kanilang mga pwesto para maumpisahan na ang kasal. Dahan-dahang lumakad si Esmeralda papunta sa pintuan ng simbahan. Tumayo ito sa gitna ng pintuan. Pinagmasdan kaagad siya ng lahat ng mga panauhin. Napakasaya ng lahat habang pinagmamasdan siya sa kanyang napakagandang wedding gown. Mula sa kanyang kinatatayuan sa harap ng altar ay lumingon siya kay Esmeralda. Nagtama ang kanilang mga paningin. Nginitian niya ito. Sa labas ng simbahan ay napansin ng marami ang napakalaking kasalang iyon. Marami sa kanila ang nangangarap na magkaroon ng ganoong kagara at kaengrandeng kasalan. Sa kanilang bahay ay tahimik na nakaupo si Margaret. Ngayon na ang kasal ni Mike at ni Esmeralda. Huminga siya nang malalim. Sana ay maging masaya ang araw na ito para sa iyo Mike, tahimik na dalangin nito. Alam ni Margaret na mahal pa rin ito ni Mike. At mahal pa rin ni Margaret si Mike. Muli siyang huminga nang malalim. Tumungo ito at tahimik na tinaggap ang kapalaran nito.

                                                                               Chapter 15

      ISANG ARAW na ang nakalipas at nagising si Margaret sa kanyang kwarto. Naisip niya si Mike. Pinilit kaagad niyang magpakatatag. Ngumiti siya at bumangon sa kanyang kama. Magiging masaya ako sa araw na ito pangako niya sa sarili. Kaagad siyang nagpunta sa kanyang banyo at naligo. Pagkatapos ay kaagad itong nagbihis at bumaba sa kanilang bahay. Nakita siya ng kanyang ama. Niyaya siya nitong mag-agahan. Sinikap niyang maging masaya sa harapan ng kanyang ama. Ayaw niyang malungkot ito ng dahil sa kanya. Ilang sandali lang ay natapos na silang mag-almusal. Tumayo kaagad siya at nagpaalam sa kanyang ama. "Dad, aalis muna ako ng bahay," paalam niya.
       Tiningnan siya nito ng mariin at kaagad nagwika. "Anak, alam kong malungkot ka ngayon. Ama mo ako at nararamdaman ko iyon."
        Huminga lang ito nang malalim at pilit ngumiti rito. Muling nagsalita ang kanyang ama. "Ang mabuti pa'y doon ka na muna sa bahay bakasyunan natin sa may isla. Pwede kang umiyak doon hangga't gusto. Alam kong pinipigilan mo ang sarili mong malungkot sa harapan ko. Huwag kang mag-alala sa akin. Andiyan naman ang mga katulong natin para asikasuhin ang mga gamot ko."
        "Opo Dad, kung iyan po ang gusto niyo," sagot lang nito na pilit pa ring pinasasaya ang sarili sa harap nito.
        "Napagbilinan ko na ang driver natin. Ihahatid ka niya sa yateng magdadala sa iyo roon," pagtatapat nito sa kanya. Pagkatapos ay nginitian siya nito at bumaling sa paparating na driver nila.
        "Sir nakahanda na po ang sasakyan," sabi nito. Bumaling ito sa kanya. "Magandang umaga..."
        "Magandang umaga rin," bati rin niya rito. "Papano Dad, tatawag-tawag na lang ako para kumustahin ang kalagayan niyo rito."
        "Sigi hijo ingatan mo itong anak ko," bilin nito sa driver nila.
        "Opo sir, pakaiingatan ko po si Ma'am Margaret," sagot naman agad nito rito.
        "Bye Dad," paalam niya na kaagad lumabas at sumunod sa driver na papunta na sa nakaparadang sasakyan sa labas ng kanilang bahay. Ipinagbukas kaagad siya nito ng pintuan. Magiliw na magiliw ang ngiti nito sa kanya kaya sinikap din niyang maging magiliw rito. Pagkasakay niya ay kaagad siyang naupo sa likuran at gilid ng sasakyan. Kaagad namang nagmaneho ito. Lumingon siya sandali sa kanilang bahay ng lumampas na sila sa kanilang gate. Huminga siya ng malalim habang pinagmamadan ang kanilang tahanan mula sa umuusad na sasakyan. Pagkatapos ay muli itong humarap at itinuon ang atensyon sa dinaraanan nila. Bumuga siya ng hangin at kaagad ngumiti. Mahal kita Mike at mamahalin kita habang buhay, tahimik niyang sambit. Gumaan nang bahagya ang pakiramdam niya. Nagpatuloy sa pagmamaneho ang kanilang driver. Pagkatapos ng ilang sandali ay narating na nila ang pier. Natanaw kaagad niya ang isang malaki at napakagandang yate. Inilapit naman kaagad nito ang sasakyang menamaneho nito. Nang tuluyan nang makalapit ay kaagad itong tumigil at liningon siya. ":Andito na po tayo Ma'am Margaret," sabi nito at pagkatapos ay itinuro ng daliri ang napakagarang yate. "Iyan na po ang yateng sasakyan niyo. Ikaw lang po ang magiging sakay niyan at ng Kapitan."
         "Ganoon ba," sabi lang niya. Bumaba naman kaagad ito at pinagbuksan siya ng pintuan. Bumaba na rin siya. Nakatayo siyang pinagmasdan ang puting yate na magdadala sa kanya sa kanilang bahay-bakasyunan sa may isla. May kung ano sa yate na napagpagaan sa pakiramdam niya. Kusa siyang ngumiti habang patuloy itong pinagmamasdan.
         Matapos muling maisara ng driver ang pintuan ay kaagad itong muling sumakay sa sasakyan. Nang maisarado na nito ang pintuan ay ibinaba nito ang bintana. "Papano po Ma'am Margaret, maiwan ko na ho kayo," paalam nito sa kanya at kaagad nang pinaandar ang sasakyan at iniwan siya.
         Huminga muna siya nang malalim pagkatapos ay naglakad na papunta sa nakahimpil na yate. Kaagad siyang tumulay papasok rito. Pagka-apak niya sa loob ng yate ay kaagad siyang luminga-linga at sinbukang hanapin ang Kapitan nito. Subalit hindi niya ito nakita. Tumuloy pa rin siya at naglakad papasok. Nakakita siya ng isang upuan sa may deck. Kaya nilapitan niya ito. Tumayo siya malapit rito. Linanghap niya ang sariwang hangin ng dagat. Muli siyang lumingon sa pinagparadahan nila kanina ng kanilang driver. Napansin niyang napakalinis at maayos ang pagkakamintini ng pantalan. Nabigla siya ng maramdamang tumunog ang makina ng yate. Napaupo kaagad siya sa upuan sa tabi niya. Ilang sandali lang ay nagsimula nang umusad ang yate. Nasa gitna siya ng deck sa harapan. Dahan-dahang bumilis ang takbo nito. Hangang sa tuluyan na itong makalayo mula sa pantalan. Lalong lumakas ang hanging dumadampi sa pisngi ni Margaret. Kusang lumipad ang maganda at malambot niyang buhok. Nagtataka siya na sa kabila ng kanyang pinagdaraan ay napakapanatag niya sa gitna ng laot. Ngumiti lang siya at patuloy na pinagmasdan ang karagatan at ang mga naggagandahang mga islang dinaraanan nila. Nakita rin siya ang maraming mga ibon na lumilipad sa kalangitan tila hinahabol at nakikipagkarera ang mga ito sa sinasakyan niyang yate. Lumingon siya. Nakita niya sa likuran niya ang isang lalaking nakatayo sa itaas at nagmamaneho. Marahil ay iyon ang kapitan ng yateng ito, pagtataya niya. Napansin niyang nakasuot ito ng malaking shades. Kahit hindi niya masyadong nakikita ang mukha nito dahil sa suot suot nitong baseball cap ay napansin niyang nginitian siya nito. Pinangiti lang niya nang bahagya ang mata niya rito pagkatapos ay muling bumaling sa harapan. Huminga siya muli nang malalim at linanghap ang sariwang hangin sa malawak na karagatan. Nagpatuloy sa paglalayag ang napakaganda at napakalaking yate. Pagkalipas ng ilang sandali ay napansin niyang bahagyang bumagal ang takbo ng yate. Naging mas komportable siya sa mas mabagal na takbo nito kaya dahan-dahan siyang tumayo at naglakad sa pinakaunahan at dulo ng yate. Nasa pinakadulo at pinakaunahang bahagi ng yate siya ng bigla niyang naalala ang isang pelekulang napanood niya. Kulang na lang ay dumipa siya at sumigaw ng kung ano, nangiti siya sa naisip niya. Subalit bahagya ring naluha nang muling maalala si Mike. Ang lalaking pinakamamahal niya na pinakawalan niya. Humikbi siya nang bahagya. Sa kanyang paghikbi ay naramdaman niyang may nakatayo sa likuran niya. Kaagad niyang pinahid ang mga luha niya. Ayaw niyang makita ng tao sa likuran niya ang mga iyon.Tuluyan na ring tumigil sa pagtakbo ang yate. Nagsalita ito. "Ma'am pasensya na ho pero tumirik ho ang yate ko, tumirik ho tayo..."
        Hindi pa rin lumilingon dahil sa patuloy na pagpahid niya ng mga luha niya gamit ang kanyang panyo ay sumagot siya nang marahan. "Ganoon ba..."
        Muling nagsalita ang lalaki sa likuran niya. "Kailangan ko po ng tulong..."
        "Ha anong tulong..." muling marahan niyang sagot rito at muling ibinalik ang panyo niya sa kanyang bulsa.
        "Baba ho kayo, tulak niyo tong yate ko."
        Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla sa narinig niya. Subalit bigla ring bumilis ang tibok ng puso niya. Ang boses na iyon, bulong niya sa sarili niya. Mabilis siyang tumalikod para makita ito. Nasa harapan niya si Mike. Nakangiti ito habang pinagmamasdan siya. "Mike..." usal niya.
         "Margaret..." sagot lang nito.
         "A-anong ginagawa mo r-rito..." marahang tanong niya na nakatingin rito.
         "Ha... eh di sinasamahan ko ang mahal ko..." sagot agad nito na humakbang ng isa papalapit pa sa kanya.
         Napaatras siya nang bahagya sa ginawa nito. Subalit humakbang uli ito sa pag-atras niya. Sa nakangiting mga mata nito ay tumitig ito sa kanya. "Sinunod ko na ang gusto mo Margaret. Sumipot na ako sa kasal ko.... kaya ang kagustuhan ko naman ngayon ang susundin mo..."
         Dumagundong ang dibdib niya sa kaba sa sinabi nito. "A-anong ibig mong sabihin..."
         Sumagot kaagad ito. "Gusto kitang makasama... gusto kitang mayakap at mahalikan Margaret..."
         "Ano!" bulalas niya. "At gagawin mo pa akong isang... isang kabit!"
         Sumulyap ito sa itaas saka ngumisi nang bahagya. Habang nakatingin sa kanya ay ipiniling nito sa kaliwa ang pisngi nito pagkatapos ay ang sa kanan. Ngingiti-ngiting hinaplos nito nang marahan ang panga nito. "Bakit ayaw mo bang maging kabit ng kasing-guapo ko ha?"
         Sumagot kaagad siya ng malakas. "Kahit kasing guapo mo pa hinding-hindi ako papayag na maging kabit. Napakasalbahe mo talaga!"
         Nagkibit-balikat lang ito sa naging sagot niya saka muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Eh kung ayaw mong maging kabit, eh di pakakasalan na lang kita."
         Nanalalaki ang mga matang sumagot siya. "Kakakasal mo lang kahapon, tapos magpapakasal ka na uli. Ang sama-sama mo! Buti na lang hindi tayo nagkatuluyan!"
         Panandaliang natigilan ito sa sinabi niya pagkatapos ay mabilis na humakbang uli at marahas na hinawakan ang magkabilang mga balikat niya. "Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" sigaw niya. Hindi siya pinakinggan nito. Bumaba ang kanang braso nito sa kanyang beywang. Hinatak siya nito. Nagkadikit ang mga katawan nila. Nagkatitigan ang dalawa. Biglang bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya. Siniil siya nito ng mga halik. Pagkatapos ay kaagad din itong tumigil at pinagmasdan ang namumulang mukha niya. "Ano natutuwa ka pa rin bang hindi tayo nagkatuluyan ha?" tanong nito sa kanya.
        Humikbi siya nang bahagya na nakatingala rito. Dahan-dahan namang huminahon ang mukha nito. Nangusap siya. "Nagkahiwalay lang tayo ay nagbago ka na kaagad... ganito na lang kung hiyain mo ako... hindi mo na ako pinapahalagahan at nererespeto..."
        Panandaliang pinagmasdan nito ang mukha niya pagkatapos ay may kinuha ito sa kanyang bulsa sa likuran nito. Isa iyong papel iniaabot nito iyon sa kanya.
        Nakatingin sa papel na hawak-hawak nito na nagtanong siya. "Ano iyan..."
        Idinikit nito ang papel sa kanang palad niya. Kinuha na lang niya ito. Tumalikod rito at dahan-dahang binuksan ito. Isa iyong liham. Naramdaman niyang muling humakbang ito palapit sa kanya at tinangkang muling yakapin siya. Subalit sinaway kaagad niya ito nang nakatalikod. "Diyan ka lang, huwag kang yayakap sa akin!" Hawak-hawak sa dalawa niyang mga kamay ay sinimulan niyang basahin ang liham. Galing iyon kay Esmeralda.
       
        Dear Mike:

               Kagabi ay pinag-isipan ko ang maraming mga bagay at dumating ako sa isang pasya. Sa mga nagdaang mga araw ay nakita ko kung gaano ka kabuting tao. Inalagaan mo ang pinakamamahal at may sakit kong ina. Ibinigay mo sa kanya ang pagkalinga na kailan man ay hindi ko nakita sa mga naging kasintahan ko dati. Napakabuti mo Mike. Sa kabila ng iyong kalungkutan sa pagkawalay sa iyo ng pinakamamahal mong si Margaret ay nakuha mo pa ring samahan at damayan ako. Ako na naging sanhi ng mapait ninyong pagkakalayo. Nakita ko kung gaano mo napasaya ang mama ko sa mga huling araw niya sa mundo. Inalagaan mo siya at itinuring na parang sarili mong ina. At dahil diyan ay taos-pusong nagpapasalamat ako sa iyo. Kasabay ng aking pagpapasalamat ay ang paghingi ko ng kapatawaran sa iyo Mike. Patawarin mo ako Mike. Nagsinungaling at linoko ko kayo ni Margaret. Nang magkaharap tayong tatlo sa bahay ni Margaret ay hindi totoong apat na buwan na ang dinadala ko dahil ang totoo'y limang buwan na akong buntis noon. Nabuntis ako ng dati kong kasintahan. Ang ipinakita kong medical certificate sa iyo ay hindi totoo. Napilitan lang gawin iyon ng kaibigan kong doktor dahil sa minsan ay natulungan ko siya. Tumatanaw lamang siya nang malaking utang na loob sa akin. Nang magkahiwalay tayo ay nalaman kong buntis na pala ako. Nakakasiguro akong hindi ikaw ang ama noon. Subalit sa galit ko sa lahat ng mga lalaking nanloko sa akin ay idinamay kita at hindi ko rin itatangging hinangad kong makibahagi sa kayaman mo at ng iyong pamilya. Subalit ngayon ay nagbago na ang lahat. Nag-iba na ang pananaw ko. Dahil sa kabutihan mo sa aming dalawa ng ina ko ay mas gusto ko nang makita na maging masaya ka na rin. Malaya ka na Mike... malaya ka nang mahaling muli si Margaret...  Kayong dalawa ang tunay na nagmamahalan kaya kayo ang karapat-dapat na magkatuluyan. Paalam...
 
    Humihingi ng iyong kapatawaran,

    Esmeralda


    Muli niyang ng tiniklop ang liham na binasa niya. Huminga siya nang malalim. Naramdaman niyang humakbang ito papalapit sa kanya. "Malaya na tayong magmahalan Margaret..." bulong nito sa kanya.
    Humarap siya rito at tumingala para mapagmasdang mabuti ang mukha nito. Muling nagsalita ito. "Matapos maglakad ni Margaret sa loob ng simbahan papunta sa akin ay kaagad niyang ibinigay ang sulat na iyan sa akin. Pagkalapit naming dalawa sa pareng magkakasal sana sa amin ay kinuha niya ang mikropono at sinabi sa lahat na hindi na matutuloy ang kasal naming dalawa. Sinabi niya sa lahat ng naroroon na hindi matutuloy ang kasal dahil hindi siya karapat-dapat para sa akin. Hindi niya linawag ang kadahilan sa loob ng simbahan. Muli siyang lumapit sa akin at humingi nang tawad. Sinabi niyang kapag nabasa ko na ang liham ay mauunawaan ko rin ang lahat. Bago siya tuluyang umalis ay ipinagbilin niyang ihingi ko siya ng tawad sa iyo, Margaret," salaysay nito. Ngumiti siya at sinabing pinapatawad na niya ito.
      Hinawakan nito ang dalawa niyang mga palad at bahagyang nakayukong pinagmasdang mabuti ang napakagandang mukha niya. "Akala ko kahapon ay talagang hindi na mangyayari pa ito. Akalay ko'y wala na talaga tayong pag-asang magkabalikan pa. At ngayong muli na naman tayong magkasama ay nais ko sanang muling yayain kang magpakasal. "Will you marry me Margaret?"
      Sumagot siya kaagad. "Yes, I will marry you Mike."
      Nakangiting napailing ito. "Sayang at nakalimutan kong bumili ng bagong singsing Margaret."
      Ngumiti lang din siya at kaagad na hinawakan at inilabas ang bahagi ng kanyang kwentas mula sa loob ng kanyang damit. Nakakabit roon ang napakagandang singsing na ibinigay sa kanya dati nito sa may dalampasigan. Kinalas kaagad niya ito at ibinigay rito. Pagkatanggap ay kaagad nitong isinuot iyon sa kanya. "Nakipaghiwalay ka sa akin subalit hindi mo inalis ang simbolo ng pagmamahal ko sa iyo."
      Nakatingalang muli siyang nangusap. "Oo, ang relasyon lang natin ang isinuko ko, pero hindi kailanman ang pagmamahal ko para sa iyo. Mahal na mahal pa rin kita Mike."
      Sa malabis na kasiyahan sa narinig nito mula sa kanya ay kaagad siya nitong niyakap. "Mahal na mahal rin kita Margaret." At sa ibabaw ng yate at sa gitna ng malawak na karagatan ay muli siyang siniil ng mga halik nitong punong-puno ng pagmamahal.
      Sa napakabilis na paghahanda ng mga ama nila sa kanilang kasal ay ikinasal kaagad ang dalawa. Sa piling nang isa't isa at sa dalawa nilang mga anak ay namuhay silang maligaya habang-buhay.


                                                                                             The End