biglang umiling. Umiling ito nang umiling habang patuloy na pinagmamasdan siya. Ilang sandali pa'y pumasok na ito sa kanyang sasakyan. Lumapit naman agad siya sa tabi ng sasakyan nito. Biglang nagbukas ang power door nito sa likuran. Walang kaimik-imik na pumasok siya sa loob. Naupo siya sa may likuran. Nakatitig siya buhok nito. Umiwas kaagad siya ng tingin nang mapansing pinagmamasdan siya nito sa rear view mirror niya. Naramdaman niyang bigla itong bumuga ng hangin. Walang kaabog-abog na mabilis na pinaharurot nito ang sasakyan. Nabigla siya kaya humampas ang ulo niya sa sandalan ng upuan ng sasakyan. Hindi na siya umimik kahit nakaramdam siya ng galit sa ginawa nito. Nagkasya na siyang tapunan na lang ito ng matatalim na tingin. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho. Hindi na ito muling lumingon sa kanya. Napakatahimik ng loob ng sasakyan. Malayo na ang nararating nila pero wala pa ring nangahas na magsalita ni isa sa kanilang dalawa. Bumuntong-hininga ito at bumuntong hininga rin siya. Bumuntong-hininga ulit ito. Bumuntong -hininga ulit rin siya. Nainis ito. Muli nitong itinuon ang buong atensyon sa pagmamaneho. Nagkaibit-balikat lang siya. Bigla namang tumigil ang sasakyan. Napansin niyang ini-start muli nito ang sasakyan. Pero hindi pa rin gumana. Lumingon ito bigla sa kanya. "Hoy lumabas ka nga sandali at itulak mo itong sasakyan ko!" utos nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Ngumiti lang ito. "Itutulak ko itong sasakyan mo..."
"Oo," simpling sagot nito.
Naalala niya bigla ang malaking pagkakautang ng ama niya. Huminga siya nang malalim. Biglang bumukas ang power door nito. Tumungo na lang siya at walang kaimik-imik na lumabas ng sasakyan. Lumibot kaagad siya sa likuran nito. Nakatayo siyang nakatingin dito. Inilapat niya ang mga palad niya rito.
"Hoy ano ba! Sabi nang itulak mo eh!" malakas at muling utos nito mula sa loob ng sasakyan.
Kaya tinulak na niya ito. Tinulak niya nang tinulak subalit hindi man lang matinag-tinag ang sasakyan sa gitna nang maluwang na kalsada. Sumubok pa rin siya. Subalit hindi pa rin ito gumalaw. Sinubukan pa rin niya nang sinubukan hanggang sa unti-unti na siyang makaramdam ng pagod. Pinagpapawisan na siya ng husto Hinihingal na rin siya. Hindi na niya matagalan ang malabis na pagkapagod sa kakatulak kaya napilitan na siyang tumigil sa ginagawa niya. "Hindi ko na po talaga